20 - Kiss and Make Up

10.4K 516 601
                                    

Nasa office ako ni Ms. Sonia ngayon at kasalukuyang tinutulungan siya dahil naghahanap  ito ng volunteer mula sa amin kanina.

Agad naman akong nagpresenta na para bang isang estudyante na gustong ma-excuse sa klase upang maiwasan ang terror teacher nila.

Simple lang ang gagawin. Kailangan ko lang i-compile yung info ng mga partner brands and companies ng magazine namin. Nakakapagod din kasing gamitin ang utak buong araw sa pagsusulat kaya this is a nice break for me.

Sa kalagitnaan ng pagiging absorbed sa ginagawa ko ay biglang nagsalita si Ms. Sonia.

"Jaz, can I... ask you something?" May bahid ng pag-aalangan sa tanong niya.

Sandali akong natigilan at tumingin sa kanya. "Ano po yun, Ms. Sonia?"

"Did something happen recently sa team niyo involving Reiko?" Ito kaya yung drama niya nung nagdabog-dabog siya last time? Baka narinig pala ng buong floor yun sa lakas ng ingay. Tsk!

"Po?" Pagtataka ko dahil hindi ako sigurado. "Wala namang nangyari. Bakit niyo po naitanong?"

"Oh, it's nothing. Nagbakasakali lang ako if you happen to know anything. It's just that Reiko's been acting weird these days, and I have no idea why."

"What do you mean by 'weird' po?"

"Lately kasi, I often catch her spacing out. She seems deep in thought about something."

"Hindi ba ganun lang po talaga siya?" Napakamot nalang ako sa ulo dahil hindi ko bet ang topic namin. Pati ba naman dito parang hindi ako makaligtas sa babaeng yun!

"No, this time kasi parang may iba. Usually if it's something work-related, sinasabi naman niya sa akin agad pag nagtatanong ako. Pero ngayon, ayaw niyang sabihin what's bothering her."

"Ah eh.. baka kasi may pinagdadaanan siyang something personal?"

Umiling naman ito. "It's really unusual of her to let any personal issues affect her work. Hindi niya ugaling ma-distract pagdating sa office. Seeing her so out of it is very new to me."

"Hmm.. ganun po ba? Sorry Ms. Sonia, hindi ko rin alam kung bakit e." At wala rin akong pake.

Nginitian niya nalang ako at tumango. "It's okay. Don't worry about it, Jaz."

Saktong uwian na nang matapos ako sa mga ipinapagawa ni Ms. Sonia. Atin-atin lang pero medyo sinadya ko rin talagang bagalan.

Pabalik na ako sa LBV room upang kunin ang aking gamit nang may matanaw akong nilalang na papunta sa direksyon ko.

Oh no! Danger approaching.. Abort! Abort!

Huli na upang mag-iwas ng tingin. Para akong nakuryente nang masilayan ang mga mata ni Ms. Reiko na tila tuliro. Itinago ko ang pagkataranta at mabilis na naghanap ng pwedeng malusutan.

Dininig naman ang tahimik na panalangin ko dahil may natagpuan akong maliit na hallway sa kanan ko na papunta ng HR department.

Nakita ko pa ang pagbuka ng bibig niya na mukhang may sasabihin. Pero bago pa man kami magkasalubong ay lumiko na agad ako.

Tuluyan na akong nakahinga ng maayos nang makalayo. Whew! Muntik na tayo dun, self.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon