22 - Dazed and Confused

18.4K 788 599
                                    

What is this I'm feeling, I just can't explain

When you're near I'm just not the same

I try to hide it, try not to show it

It's crazy, how could it be.....

Napatalukbong ako ng kumot sabay takip sa magkabilang tenga gamit ang unan. Sa hindi malamang dahilan ay parang lalo akong na-trigger sa mga lyrics ng kanta sa radyo.

Habang nakatulala sa kawalan ay nagsimulang lumipad ang aking isip at ako'y nagmuni-muni sa mga pangyayari lately.

Recent events that have something to do with our editor-in-chief to be exact.

Ewan ko kung dala lang ba ito ng sobrang stress to the point na nagha-hallucinate na ata ako. Pero parang may mali e.. meron talagang kakaiba sa kanya na 'I just can't explain' ika nga nung kanta.

Hindi ko lang alam kung napapansin din ba ng LBV teammates ko ang mga pagbabago sa ugali ni Ms. Reiko. Matanong nga sila bukas...

Nandun pa rin naman yung pagiging cold at mataray niya pero tolerable na ito kumpara noon. Siguro ay nasanay na lang kaming lahat. Ngunit, ang labis na ipinagtataka ko ay mas bumabait na siya tapos may halong sweetness!?

Feelingera lang ba ako? Assumera? Hindi ko sure! Naguguluhan talaga ako sa mga ipinapakita at pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraan.

Kanina pa nga ako paikot-ikot sa kama dahil sa pag-iisip. Dapat pahinga ko ngayon pero hanggang dito nagpaparamdam pa rin siya sa akin.

Ganito kasi yun... kayo na ang bahalang humusga!

Exhibit A:

Maaga akong nakarating sa HNC at halos wala pang katao-tao sa paligid. Naisipan kong pumunta muna sa pantry at magtimpla ng kape upang magising ang diwa ko.

Isa sa mga paboritong gamitin naming mga employees sa pantry ay yung espresso machine. Ang lakas kasi maka-sosyal at di na kailangan pang gumastos sa mamahaling coffee shop.

Subalit hindi umayon ang tadhana sa akin dahil naabutan kong may nakapaskil na 'Out of Order' sa ibabaw nung machine. Bad trip naman oh!

Mukhang magpapaka-hampaslupa muna tayo today at magtitiis sa sariling timpla na kape.

Bagsak balikat kong kinuha ang instant coffee powder upang magsalin sa mug. Hindi pa ata nakontento ang universe bigyan ako ng kamalasan dahil wala nang lamang asukal yung canister.

Hinanap ko ang refill ng asukal at natagpuan ito sa medyo mataas na parte ng pantry shelf.

Don't get me wrong, hindi naman ako pinagkaitan pagdating sa height pero sadyang hard to reach lang yung asukal. Medyo pinagsisisihan ko tuloy na walang heels ang shoes na napili kong isuot.

Buong lakas kong pinilit abutin yung shelf.. todo tingkayad pero hindi talaga kaya. Susuko na sana ako at bibili nalang ng kape sa labas nang biglang may kamay na sumapaw sa view ko.

The hand belongs to someone with long slender fingers and perfectly manicured dark red nails.

Effortless niyang nakuha ang sugar canister kaya mabilis akong napatalikod upang malaman kung sino ang epal na ito. E di siya na ang matangkad!

And of course.. who else could it be?

I turned around only to find Ms. Reiko smirking with a playful glint in her eyes.

Ewan ko kung bakit napalunok ako unconsciously nang masilayan ang mga labi niyang ka-match ang kulay ng manicure niya.

"Here you go." Sabi niya sabay abot ng asukal.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon