21 - Fake News

9.5K 445 189
                                    

What? Go to dinner with... her!?

Ilang beses akong napakurap dahil nablangko ako at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Wala nang tanong-tanong pa kung payag ba ako o hindi. Basta nalang niyang kinuha ang braso ko at lumabas ng kanyang office. Mabilis akong natigilan nang bumaba ang hawak niya sa palad ko.

Paano ba naman ang lakas manguryente ni madam! Meralco ka, gurl?

Kunot-noo itong napaharap sa akin. "Why?"

"Sandali lang. Na-ground ako sa'yo e." Tugon ko sabay wasiwas sa aking kaliwang kamay. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at dire-diretso lang siyang tumungo ng elevator.

At nakuha pa niyang umirap ha?! E kung takasan ko kaya ang isang 'to... mag-dinner siya mag-isa.

Saglit na binalot kami ng katahimikan. Inaantay naming dumating ang elevator nang may tumawag sa pangalan ng kasama ko.

"Reiko. Going home already?" Ang boses ay galing sa isang matangkad na lalaking papalapit sa pwesto namin. Hindi naman ito kagwapuhan pero kung lumakad at umasta siya ay parang pagmamay-ari niya ang lugar.

Kita kong agad na napalitan ng inis ang mukha ni Ms. Reiko. I mean, I probably would too..

"What do you need, Albert? I'm busy right now."

Ngumisi ang lalaki kaya mas lalong hindi ko maiwasang ikumpara siya sa isang pangit na pitbull. No offense to dogs pero wala lang.. yun kasi talaga ang pumasok sa aking isipan unang kita pa lang dito.

Napansin siguro niya ang panunuri ko sa kanya kaya preskong tumango pa siya akin to acknowledge my presence.

"Oh! My bad.. are you part of Reiko's team?" Nilahad nito ang kanyang palad at akmang kakamayan ako. "I'm Albert de Vera, one of the board directors here in HNC."

Laking gulat ko nang biglang tinabig yun ni Ms. Reiko at tila itinago pa ako sa likuran niya. "She's absolutely none of your business. Don't talk to her!"

Mahinang napasipol ang lalaking mukhang pitbull na parang lalo pang nang-aasar. "Woah, chill." He raised his both hands in surrender. "My God, Reiko! What a foul attitude you have. Better fix that dahil hindi laging uubra ang ganyan sa mga tao."

"If you have nothing to say, you better leave us alone and stop wasting our time! I have something important to do." Halata sa mukha ni Ms. Reiko na pinipigilan nito ang sariling maubos ang pasensya.

"Is there something else more important than board matters?" Parang may laman yung tanong ng lalaki at tumingin pa sa akin ng ilang segundo.

"Board matters? As far as I know, there isn't any pressing issues I need to attend to."

Pumalatak ang lalaki. "Nakuha mo lang ang approval ni DC, malakas na ang loob mo. Just remember na sa amin pa rin nakasalalay ang mga decisions ng company. You know, if it's only up to me, matagal nang phased out yang magazine mo."

Aba'y loko 'to ah! Parang gusto kong manapak.

Walang ibang ginawa si Ms. Reiko kundi bigyan ng pekeng ngiti ang lalaki. Mukhang hindi niya papatulan ito.

Para tuloy akong nasa gitna ng tennis match habang pinapanood ko ang dalawang magsukatan ng tingin. Ramdam ko ang tension sa atmosphere.

"Alright, alright. Mukhang napipikon ka na e." At tumawa itong si Mr. Pitbull. "Kidding aside, one of our affiliates in Paris is currently on the line. The board actually needs you to talk to them right now."

Ms. Reiko scoffed. "What am I? Your translator?"

"Something like that. But if I were you, I'd better take that call Reiko. You wouldn't wanna piss off Mr. Horie again, right?"

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon