Tensyonado ang atmosphere sa LBV team ngayon. Nagtipon kaming lahat upang i-discuss yung progress ng magazine production.
Kasalukuyang iniisa-isa ni Ms. Reiko yung mga gawa namin. Feeling ko para kaming nasa college tapos ginigisa kami ng prof sa recitation.
Yung tipong nakakatakot pati huminga kasi baka magkamali ka. Dahil dun ay hindi ko tuloy naiwasang makaramdam ng slight trauma.
Nag-flashback sa akin yung nangyari nung first draft checking kaya kinilabutan ako. Ikaw ba naman ang sabunin sa trabahong hindi naman pala sa'yo. Wag na sana maulit please.
Tahimik naming pinapanood si Ms. Reiko habang binabasa at minamarkahan yung mga papel. Kalkulado ang kanyang bawat galaw lalo na sa kumpas ng mga kamay niya
Sadyang kahanga-hanga dahil isang tingin pa lang alam na niya kung alin ang mga mali at dapat baguhin. Kaya niya sigurong gawin 'to kahit nakapikit o maski natutulog.
"Ms. Sarmiento." Nabasag ang katahimikan nang tawagin niya ang kasamahan naming si Krisha.
"Y-y-yes m-miss?" Halos namumutlang sagot nito.
Napabuntong hininga si Ms. Reiko sabay hilot sa kanyang sentido. "Didn't I tell you to revise this according to my notes? Tumango naman si Krisha.
"What is this then? Why am I still seeing the same errors? It's like you're not even trying at all!" Tumaas ang boses nito at inilapag padabog ang mga hawak niyang papel.
"May I remind everyone that we're running on a very tight timeline right now. I can't afford mistakes from any of you." Matalim na saad niya.
Nakayuko lang ang ulo ni Krisha. "I'm really sorry, Ms. Reiko. I'll do better po next time."
"Your sorry is not gonna do your job for you. And why wait for next time when you can do better now? I already said this during the first day, I don't need inefficient people in my team. If you can't follow a simple instruction, perhaps the team is better off without you."
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng slight disappointment sa mga sinabi ni Ms. Reiko. Sinusubukan kong intindihin ang ugali niya dahil batid ko rin kung gaano siya ka-pressured.
As the editor-in-chief, malaki ang nakaatang na responsibilidad sa kanya para maitawid ang production ng La Belle Vie at maging matagumpay ang release. Lalo pa't gusto na itong ipa-discontinue ng board of directors.
Pero sapat na excuse rin ba yun upang mamahiya ng ibang tao?
Pwede naman siguro niyang i-confront yung mga pagkakamali in private at hindi sa gitna ng team meeting. Yun ay kung talagang may paki siya sa mga tauhan niya.
Nang makita ko ang nanlulumong itsura ni Krisha ay napailing nalang ako. Hindi na rin ako nagtangkang mag-angat ng tingin dahil nakakatakot madamay sa galit ni Ms. Reiko sa mga oras na yun.
After i-dismiss ang meeting ay nilapitan ko si Krisha. "Uy mamsh! Pagpasensyahan mo nalang si Ms. Reiko. Sadyang ipinaglihi lang talaga yun sa sama ng loob." Tinry ko siyang i-comfort.
"Okay lang, Jaz. Aminado naman ako na wala talaga ako sa tamang wisyo lately kaya naaapektuhan yung work performance ko." Mas lalo tuloy akong naawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...