17 - Sick Leave

6.9K 375 89
                                    

There's a first time for everything.

Sa ilang months ko na sa HNC, ngayon ko palang unang magagamit ang sick leave ko.

Akala ko kaya kong labanan. Akala ko matibay ang mga antibodies ko. Pero di hamak na malakas ang kung anumang virus na tumama sa akin dahilan para ako'y magkaroon ng trangkaso ngayon.

Nagsimula lang ito kagabi bilang simpleng panlalamig at sunod-sunod na pagbahing hanggang sa makaramdam na ako ng chills habang natutulog.

At kaninang umaga, tuluyan na nga akong ginising ng lagnat at matinding pagkahilo.

Nakakaguilty maka-miss kahit isang araw lang ng trabaho pero alam kong hindi ko talaga kakayaning pumasok ngayon. Kaya nag-send na ako agad ng message sa supervisor ko, si Ms. Sonia.

Ang hassle magkasakit pag nag-iisa ka lang. One of the biggest struggles of living alone.

Na-miss ko tuloy bigla ang lola kong kasalukuyang nasa probinsya ngayon. Makarinig lang kasi yun ng isang singhot o ubo yun galing sa akin ay sobra na agad ang pag-aalala niya.

Ang ayaw ko pa kapag nagkakasakit mag-isa ay kailangan kong kumilos para ipagluto ang sarili ko.

Buti nalang at nauso na yung mga food delivery apps ngayon. Sobrang laking convenience, especially sa mga ganitong situation.

Binuksan ko ang app sa aking phone para maghanap ng pwedeng panlaman tiyan. Wala talaga akong ganang kumain pero kailangan kong uminom ng gamot.

May nakita naman agad akong malapit na eatery kaya umorder nalang ako ng arroz caldo.

Sandali akong naidlip habang hinihintay dumating yung pagkain nang biglang may mag-text sa akin.

Kenneth:
Jaz! Half day ka ba today or di ka talaga papasok?

Me:
Naka-sick leave ako ngayon Kenn. Nagpaalam na rin ako kay Ms. Sonia.

Kenneth:
Aw okay.. pagaling ka! Tinatanong ka sakin ni Ms. Reiko kanina.

Me:
oh? ano raw sabi?

Kenneth:
Ikaw kasi agad hinahanap niya pagkadating sa office. Natanong niya lang naman sakin kung dumating ka na raw ba.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ni Kenneth. Bakit naman kaya ako hinahanap ng isang yun?

Me:
ah sige sige, siguro naman nasabihan na rin siya ni Ms. Sonia. Thanks ulit Kenneth!

Kenneth:
Oks jaz. pahinga ka na. see u nalang pagbalik mo sa office! :)

Matapos mag-reply kay Kenneth ay saktong dumating na rin ang order ko.

Sinubukan kong kumain kahit konti para makainom na ng gamot. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng aking mata at tuluyan na akong nagpalamon sa antok.

Halos madilim na nang ako'y magising. Napatingin ako sa aking wall clock kung saan nakasaad na pasado alas-sais na ng gabi. Buong araw pala akong nakatulog!

Fortunately, medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Wala na yung pagkahilo at sakit ng ulo pero meron pa rin akong konting sinat.

Uminom muna ako ng tubig bago naisipang i-check ang aking phone. May mga natanggap akong mga text galing kela Ms. Sonia at ibang teammates ko.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon