Matinding lakad-takbo ang ginawa ko upang makaabot sa building namin. Sobrang traffic kasi ngayong umaga at ilang minuto nalang ay male-late na ako.
Muntik pa nga akong matapilok bago makalabas ng elevator dahil sa sobrang siksikan ng mga tao sa loob.
Nakarating ako sa pintuan ng office namin nang humahangos. Madali ko namang tinap ang aking ID upang makapasok.
Pagtingin ko sa machine ay lumabas ang oras ng time in ko: 8:59 am. Isang minuto nalang. Buti nakaabot pa ako, dahil dun ay nakahinga na ako ng maluwag.
Hahawakan ko palang sana yung doorknob ng room namin nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin si Jade. Mukha ring palabas silang lahat sa kwarto.
"Oh, Jazzie! Buti andito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin di ka na papasok."
"Teka, san ba kayo pupunta? Tsaka bakit parang ang aligaga ng mga taong nakakasalubong ko?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.
"Ano ka ba girl!! Ngayon na ang dating ni Ms. Reiko sa HNC. Bilisan mo at ilapag mo na gamit mo diyan. Pinapapunta na tayo sa meeting room."
"Ha?!? As in.. nandito na siya now???"
"Oo sis! Kaya nga tara na!" Nagmamadaling yaya ni Jade sa akin.
Shocks. Kung kelan naman may importanteng ganap ay tsaka pa ako na-late. Ni hindi man lang ako nakapag-retouch, panigurado ang haggard ng itsura ko ngayon.
Pagkapasok namin ng meeting room ay halos kumpleto na yung mga tao. Naghihintay na yung mga editors, writers, at ibang members ng creative department.
Nakangisi namang humarap si Sharmaine sa amin. "Ano guys, ready na ba kayong ma-meet siya?"
Hindi na namin siya nasagot dahil parang may dumaang anghel. Bigla kasing nagsitigil ang pag-uusap ng mga tao at tumahimik ang buong meeting room.
Pumasok na pala si Ms. Sonia at nagsimulang magsalita sa harapan.
"Good morning everyone! I'm sure you all know why we're here today. So, I won't bother doing an intro. Let's all welcome back our editor-in-chief!"
Pigil-hininga ang lahat na napatingin sa pinto. Nakarinig naman kami ng tunog ng takong na unti-unting papalapit sa loob.
"OH. MY. GOD. WTF?! Sobrang ganda niya!!!" Mahinang pagpipigil na tili ni Jade.
"Woah, mas lalo pa siyang gumanda ngayon." Bulong ni Kuya Daniel kay Sharmaine.
"Holy fudge! Ang hot at sexy niya!!!"
"Mare, kinabog tayo ni madam. Tingnan mo yung long legs niya oh!"
Magkakaibang reaksyon ang taglay ng mga tao sa silid ngayon. Halos lumuwa ang mga mata ng mga kalalakihan, habang ang mga babae naman ay hindi rin maitago ang kanilang pagkamangha.
Ako naman ay napanganga at hindi makapaniwala sa aking nakikita ngayon.
Siya yun! Siya yung babaeng nakasabay ko sa elevator kahapon. Hindi ako pwedeng magkamali.
Tandang-tanda ko kasi kung gaano siya katangkad pati na yung balingkinitan niyang katawan at mamahaling pabango. Shet. Si Ms. Reiko pala yun?!?
At totoo nga ang chismis mga mare. Saksakan talaga siya ng ganda. Wala kang maipipintas sa mukha niyang parang si Lord mismo yung umukit.
Ang perfect lang nung kilay, mata, ilong, at labi nito. Siya na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat. Kaya hindi rin nakapagtatakang napagkamalan ko siyang model kahapon.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...