Paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito?
Nagmumuni-muni ako habang nakatingala sa kisame ng guest room ni Ms. Reiko. Maaga akong nagising ngayon dahil halos naitulog ko na lahat ng pwede kong itulog kagabi.
Pinagmamasdan ko lang ang kabuuan ng silid. Napakalinis at ganda ng ayos nito maging yung bathroom kung saan ako nag-shower kagabi. Para tuloy akong naka-check in sa hotel ngayon.
Nagda-dalawang isip ako kung lalabas na ba ako ng kwarto. Gising na kaya siya? Anong oras ba ako dapat magpaalam para umuwi?
Pumasok ako sa magarang bathroom at nanalamin. Parang ang liit ko tuloy tingnan dito sa binigay niyang sleepwear set dahil kailangan ko pang itupi yung dulo sa haba nito.
Kunsabagay.. sa tangkad ba naman niyang yun!
Sinusuot pa rin kaya niya ito? Pagtataka ko pa bago amuyin ang damit. In fairness, ang bango ng fabric softener na gamit niya. Lavender scent.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Bakit kaya biglang bumabait ang babaeng iyon? Wala sa hinagap kong magkakasundo kaming dalawa.
But look where am I right now. May pa-instant sleepover pa si mayora!
Bumalik ako sa ulirat nang makarinig ng katok at bukas ng pinto. "Oh, you're awake na pala. Come on.. let's eat."
Sinundan ko si Ms. Reiko sa dining table at mahinang napasinghap sa mga nakahain dito.
Nakakamangha ang table arrangement pati plating ng soup, toast, omelette, at kape. Saang fancy resto niya kaya inorder ang mga ito?
Mukhang bumalik na sa normal ang appetite ko dahil ramdam kong kumakalam na ito. Walang patumpik-tumpik akong nagsimulang kumain.
"Did you sleep well?" Nakatuon ang mga mata ni Ms. Reiko sa akin habang humihigop ng kape.
Abala ako sa pagnguya kaya tinanguan ko lang siya. Masyado akong focused sa sobrang sarap na omelette na kinakain ko.
"Do you like the omelette?" Hindi ba obvious? Turan ko sa aking isip. Tatanungin ko pa sana kung saan galing pero I just told her.. "Masarap."
"Good. I was worried that I made it bland 'cause I don't like to add too much salt." Muntik akong mabilaukan sa sinabi niya.
"Ibig mong sabihin.. ikaw ang nagluto ng mga ito?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes. Why? Did you think I just ordered them?"
"Sorry.. akala ko kasi hindi ka nagluluto e." Pagtatapat ko at ngumiti ng alanganin.
"I can cook if I really want to and if I have time."
Bumalik nalang ako sa pagkain upang mapawi ang awkwardness. Ilang minuto pa ang lumipas nang magsalita ulit si Ms. Reiko.
"It's weird." Inilipat ko sa kanya ang aking tingin na may pagtataka pero hindi ako umiimik.
May naglalarong amusement sa kanyang mga mata. "I'm not used to you being this quiet."
"Masama lang ang pakiramdam ko pero hindi pa naman ako pipi." Pinigilan ko ang sariling umirap.
Hindi ko inaasahan nang bigla siyang ngumisi. "Finally! She is back with that sharp tongue of hers." Ano raw? Parang lalo tuloy akong lalagnatin sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to.
Sino ang impostora na ito at anong ginawa niya sa malditang si Ms. Reiko?
*******
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
Roman d'amourSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...