A/N: Surprise! Gumalaw na ang baso finally 😅✨
Matapos ang mga weirdong insidenteng naganap sa pagitan namin ni Ms. Reiko ay medyo pasalamat ko na naging busy na kaming lahat.
Kabila't kanan ang mga meetings habang papalapit ng papalapit ang aming mga deadlines. Tila araw-araw kaming tumatumbling sa dami ng mga tasks. The pressure is really on!
Hindi pa nakakatulong yung existence ng maganda pero minsa'y topakin naming boss.
Tuwing nandyan kasi ang presensya niya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness at iba pang hindi maipaliwanag na mga bagay.
Minsan nagtataka ako kung tuluyan na nga ba akong nabubuang dahil kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.
Kasalukuyan akong naka-break kasama sila Jade. Ngayon nalang ulit kami nagkasabay-sabay kumain pero himalang tahimik at lutang sila na tila ba mga lulong sa droga.
Pwede nang magkaroon ng contest ang HNC sa palakihan ng eyebags dahil pare-parehas nang nanlalalim ang mga mata namin sa kaka-computer, kakapuyat, at kahahabol sa mga deadlines.
"Paano ba malalaman kung nagkakagusto ka na sa isang tao?"
Ako ang bumasag sa katahimikan habang nakapangalumbaba at malayo ang tingin.
Sabay sabay na naglingunan ang mga ulo nila sa akin at di makapaniwala sa kanilang narinig. Tsaka ko lang narealize na nabanggit ko pala ng malakas yung tanong na naglalaro lang sa isip ko.
Napasapo sa noo si Jade. "Ayan, ayan. Yan na nga bang sinasabi ko e." Para bang nanay na nanenermon ng kanyang anak.
"Naku! Pumapag-ibig na ba talaga ang bunso namin?" Nanlalaking matang hinarap ako ni Kuya Daniel na mabilis kong itinanggi.
"Ha? Uy hindi ah! Asking for a friend lang."
Mabilis pa sa alas-kwatro akong nilapitan ni Jade at inakbayan. "Asussss! Wag nga kami teh! Tayo-tayo pa ba ang magtatago ng lihim sa isa't isa? Para ka namang others!"
"Sino ba kasi yang maswerteng nilalang na nagpapatibok sa puso mo?" Dagdag ni Sharmaine.
Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Kuya Daniel. "Alam mo Jaz. Tanggap namin kung sino pa yan basta siguraduhin mo lang na matinong tao at di ka papaikutin at papaasahin."
"Learn from my mistakes Jaz. Wag kang pipili ng gaya ng ex ko. Yung mga tipong magagaling lang sa una, lakas pa mang-lovebomb pero iniwan din ako sa ere." Hugot pa ni Roda.
Sa totoo lang, nagulat din ako at hindi ko alam kung san nanggaling ang tanong ko na yun.
'Paano malalaman kung nagkakagusto ka na..' Seriously Jaz?! Sana ginoogle mo nalang! Ngayon hindi na naman ako titigilan usisain ng mga ito.
Ah basta hindi, wala 'to swear! Kabag lang siguro ito dahil sa sunod-sunod na stress.
*******
We're in a very important meeting slash brainstorming session right now pero walang pumapasok sa brain ko.
Napasulyap ako sa bracelet na ibinigay ni Ms. Reiko at bahagyang sinipat ang pendant.
Ano bang meaning nito? Bakit may pa-ganito? May gusto ba siyang ipagawa sa akin at ito ang bayad?
"Ms. Zabala! Are you still with us?"
Bumalik sa reyalidad ang aking lutang na kamalayan nang marinig ang boses niya. Ang malamig na boses na ilang gabi nang gumugulo sa buong pagkatao ko.
"Sorry, Ms. Reiko." Paumanhin ko sabay baba ng ulo. Ramdam ko ang pamumula ng aking tenga dala ng kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...