6 - Judgment Day

6.1K 367 78
                                    

Ngayon ang araw ng paglipat ko sa bagong room kasama ang teammates ko sa LBV. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil malalayo ako sa mga kasama ko.

"Sis, mamimiss ka namin ng sobra. Sumulat ka palagi ah. At yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan. Basta size 8 ako sa sapatos, small naman sa damit."

Napa-ikot nalang ang mata ko sa sobrang pagka-OA nitong si Jade. "Tantanan mo ako sa kadramahan mo. Halos sampung hakbang lang ang layo ng room natin."

"Eh kahit na. Iba pa rin syempre yung magkakasama tayo dito. Wala nang sasakay sa mga punchline ko." nakangusong dagdag pa nito.

"Andyan naman sila Roda e."

"Hoy wag niyo nga akong idamay diyan. Okay nga yan nang matuto namang manahimik minsan yang si Jade." sagot sa akin ni Roda.

"Ayan na naman silang dalawa. Basta Jaz, bisita ka lang dito sa room kung di ka busy. Sabay ka pa rin sa amin mag-lunch pag pwede ka."

"Thank you, Kuya Daniel. Noted yan! Tatry ko pa rin sumabay sa inyo mag-lunch or dinner minsan."

"Good luck Jaz! Message ka sa GC natin pag may masagap kang balita ah." Ano pa nga ba? Dakilang chismosa ng taon talaga itong si Sharmaine.

Sinimulan ko na ang paglilipat ng gamit sa LBV room. Mas spacious ito at halatang bagong-bago pa ang mga kagamitan compared sa room namin.

Ang ganda ng pagkaka-design ng interior nito. Modern and minimalistic ang theme ng decor kaya parang nakakapanghinayang tuloy gamitin yung mga furniture.

Bukod sa individual workspaces ay meron ding round table sa gilid. Malamang ay dito kami pupuwesto pag di available ang meeting room.

Parang napawi naman bahagya ang ngiti sa aking labi nang mapatingin ako sa bandang dulo ng silid. Doon kasi matatagpuan ang trono este ang opisina ng mahal na reyna.

From the walls to the door ay napapalibutan ang office nito ng glass. Kaya tanaw na tanaw pa rin niya kaming lahat mula sa lungga niya.

Meron din naman itong blinds kapag gusto niyang mag-solo at mag-emote sa loob.

O diba? Bagay na bagay talaga sa kanya yung office niya. Parang siya lang. So close yet so far. Very unapproachable at guarded pero mukhang fragile din.

Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang maramdamang may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito ay bumungad sa akin ang nakangiting lalaki na kapansin-pansin ang dimples.

"Hey, okay ka lang? Kailangan mo ba ng tulong sa pagbubuhat ng gamit?"

"No thanks, okay na ako. Nailipat ko naman na yung karamihan sa mga gamit ko. Wait, ikaw si Kenneth right?" Tanong ko dito dahil naalala kong siya yung unang nag-suggest sa meeting noon.

"Yes, I'm Kenneth. And you are?"

"Jazelle. Or Jaz nalang for short."

Nilahad naman nito ang kamay sa akin. "Jazelle, that's a pretty name. It's nice to meet you."

Kahit naiilang ay kinamayan ko nalang din ito upang hindi ito mapahiya. Pagkakuha ko pabalik ng kamay ko ay narinig kong may tumikhim sa likuran ko.

"Oh h-hi, g-good morning Ms. Reiko." Medyo natatarantang bati ni Kenneth sa taong nasa likod ko.

Ramdam na ramdam ko ang presensya nito pati ang pabango niyang nagsimulang sumakop sa ilong ko.

Sa totoo lang ay nag-aalangan akong humarap at batiin siya dahil sa nangyari sa elevator last Friday pero ayoko rin namang magmukhang bastos sa boss namin.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon