Matapos ang aking pagninilay-nilay sa rooftop ay buong tapang at determinado akong nagtungo pabalik sa office namin.
Laban Jazelle! Wala nang atrasan 'to. Panindigan mo yang desisyon mo. Tila mantra ko sa aking isipan para hindi panghinaan ng loob.
Habang naglalakad sa hallway ng HNC ay nakasalubong ko si Ms. Sonia na agad akong nilapitan nang mapansin niya ako.
"Jaz, I heard what happened from Terrence. Are you okay?" May bahid ng pag-aalala sa boses niya kaya nginitian ko ito.
"Yes, Ms. Sonia. Okay lang po ako. Kalimutan nalang po natin yung nangyari."
"No, what Reiko did to you was uncalled for. Pinagsabihan ko na siya." Ramdam ko yung pagkadismaya niya. Medyo nagtaka rin ako kung paano niya nalaman yung ginawa ni Ms. Reiko.
"Hala! Dapat hindi niyo na po siya pinagsabihan dahil lalo lang iinit ang ulo nun sa akin."
"But Jaz.. she shouldn't have acted like that towards you, especially when it's just a mistake on Terrence's part."
"Huh? Panong mistake po, Ms. Sonia?" Bigla naman akong naguluhan sa sinabi nito.
"Wait! You didn't know?"
Napailing ako dahil wala akong maintindihan sa pinag-uusapan namin. "Ang alin po ba?"
"Oh my god." Napahawak nalang tuloy ito sa kanyang ulo na parang lalong na-stress.
"Look Jaz.. nagkaroon ng mix-up sa compilation nung mga drafts. So hindi talaga sa'yo yung article na nasita niya, it's actually Annie's!"
Para naman akong nabunutan ng tinik sa ibinunyag ni Ms. Sonia. Feeling ko tuloy ngayon ay para akong nasasakdal na napatunayan sa korteng wala talagang kasalanan at napagbintangan lang.
Sabi na nga ba e! Hindi kasi ako yung tipo ng taong nagpapasa ng "trash" na trabaho. May tiwala ako sa sarili kong maayos yung ginagawa ko.
Kaya sadyang nakapagtataka kung bakit ako ang napagdiskitahan kanina, samantalang aprubado naman ng karamihan sa editors yung nagawa ko.
Lalo tuloy nagngitngit ang aking kalooban dahil sa inasta ng babaeng demonyita sa akin kanina.
Napakabilis niya kasing mag-assume! Hindi muna inaalam ang katotohanan sa hindi. Idadamay pa ang ibang tao sa panget na ugali niya.
"On behalf of Reiko, I'm really sorry for what happened Jaz. Sana wag mo masyado dibdibin whatever she told you. Because in the first place, hindi naman talaga ikaw yung may mali."
"Don't worry po. Wala na sa akin yun kung ano mang nasabi ni Ms. Reiko. Nasasanay na rin ako sa ugali niya."
"But still..." Pagbu-buntong hininga niya bago muling nagsalita. "Don't let this discourage you, okay? I really believe you have potential, Jaz. And one day, mare-realize din yun ni Reiko."
Parang gusto ko tuloy maluha sa sinabi ni Ms. Sonia. Grabe lang yung tiwala niya sa akin. "Thank you po talaga Ms. Sonia for always believing in me. I'll do my best not to disappoint you po."
"No worries, you really deserve it." Nakangiti niya akong tinapik sa aking balikat. "Sige, I'll go ahead na. May meeting pa kasi. Just come to my office if you need anything." sabay paalam niya.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng LBV room at awtomatikong napasulyap ako sa direksyon ng office ni Ms. Reiko.
Laking pasasalamat ko na wala siya doon ngayon dahil naiinis pa rin talaga ako sa tuwing naaalala ko yung nangyari.
Sumulpot naman si Terrence sa harap ko kasama si Annie. "Jaz!!! I'm really sorry. Hindi ko muna dinouble check yung drafts bago ipasa kay Ms. Reiko. Sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...