15 - Achievement Unlocked

6.4K 395 109
                                    

Tama ba 'tong ginagawa ko?

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko
at bigla ko nalang hinila si Ms. Reiko papalabas ng hotel. I just did it impulsively, without thinking twice.

Laking pasalamat ko dahil tahimik lang siyang  nagpatianod. Siguro wala na itong time makapag-react at lutang pa rin siya after nung nangyari.

Just imagine kung sinungitan lang niya ako. For sure, pahiya ako nun to the highest level.

"Where exactly are we going, huh?"

Sa wakas, nahanap na rin ng kasama ko ang boses niya. Akala ko tuluyan na siyang napipi dahil kanina pa kami palakad-lakad pero wala pa rin itong imik.

"Ahh.. ano.. diyan lang sa tabi-tabi." Tanging sagot ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko rin sure kung saan kami pupunta.

Bigla kong naalala yung seaside na nadaanan namin kanina papuntang hotel. Mukhang malapit  lang naman ito pero deep inside medyo kabado ako dahil baka maligaw kami. Hindi kasi ako masyadong magaling sa directions minsan.

I think it's one the best places na pwedeng pagdalhan ng mga taong kailangang i-cheer up. Tuwing malungkot ako at feel kong mag-emote gusto ko ring pumupunta sa may tabing-dagat.

Sa sobrang lawak at lalim ng dagat parang mararamdaman mo na ang insignificant lang ng mga problema mo.

It's very calming and comforting for me. Ewan ko nalang dito sa babaeng kasama ko.

"Andito na tayo!" Halos napasigaw ako sa excitement nang sumalubong sa akin ang pamilyar na simoy ng hangin at tunog ng mahihinang alon.

Paglingon ko kay Ms. Reiko ay tsaka ko lang na-realize na hawak-hawak ko pa rin pala ang palapulsuhan niya. Yikes! Bakit wala man lang siyang sinabi?

Mabilis akong bumitaw dahilan upang malipat ang tingin niya mula sa dagat papunta sa akin.

"So, what are we going to do here?" Tanong niya.

Baka magsi-swimming. Napailing ako at kinagat ang aking dila para hindi ako madulas. Hindi ito ang tamang oras para mambara, Jazelle!

"Magpapahangin lang sandali tapos pwede na tayong bumalik kung gusto mo."

Sinuri ko ang perpektong mukha ni Ms. Reiko. Nangingibabaw ang malamlam na mata niyang nakatuon sa malayo. Kasing-lalim ng dagat ang iniisip niya.

Tinungo namin yung bench malapit sa may seawall at doon naupo. Bumalot ang katahimikan habang parehas naming ninanamnam yung view sa harap.

Napaka-comfortable nung silence pero hindi ko maiwasang magtaka. Ano nga bang dapat sabihin sa ganitong klaseng situation? Mananahimik lang ba ako or what?

I admit that I'm not particularly good at cheering people up. Maski sa mga kaibigan ko medyo awkward talaga ako sa ganyang bagay.

Kaya nga nagulat din ako sa sarili ko na naisipan kong gawin ito. I guess I just followed my intuition.

Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Walang masyadong tao ngayon dahil weekday. Pagka-check ko sa aking relo ay nakita kong malapit na palang mag-alas kuwatro ng hapon.

Sa di kalayuan napukaw ang atensyon ko ng isang makulay na kariton. Bigla akong napangiti nang mapagtanto kung ano yun.

"Gusto mo ng ice cream?"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad pinuntahan ang nagtitinda ng sorbetes. Natuwa ako dahil ngayon lang ulit ako makakakain nito.

Tamang-tama. Ice cream ang isa sa mga comfort food ng mga malulungkot na tao.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon