Para akong nalugi sa itsura ko ngayon. Malayo ang aking tingin habang nakapangalumbaba sa mesa.
Nandito ako sa cafeteria ng building namin at kakatapos ko lang kumain. Halos ako lang ang tao ngayon dahil alanganin na ang oras ng lunch ko.
Ayon sa malaking digital clock na nakasabit sa pader ay mag-a-alas kwatro na ng hapon. Maraming oras pa naman ang natitira sa break ko. Ayoko munang bumalik sa room namin.
Nag-flashback sa akin yung nangyari kanina sa office ni Ms. Reiko dahil bukod sa nasayang lahat ng pagod ko ay napahiya na naman niya ako.
Malapit na talaga siyang bumingo sa akin!
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka-encounter ng taong ganung klase ang ugali. May mga nakaaway din naman ako dati pero ibang-iba talaga siya.
Hindi ko maiwasang maging feeling helpless sa sitwasyon ko. Kung nadadaan ko yung mga kaaway ko sa online parinigan, ibang kaso pagdating kay Ms. Reiko.
Editor-in-chief siya, di hamak na writer lang ako. Mayaman siya at tatay pa niya yung may-ari ng HNC, samantalang normal na mamamayang Pilipino lang ako.
In conclusion, sobrang laki ng agwat ng estado ng mga buhay namin. Aminado ako na may karapatan naman talaga siya mag-maldita at wala akong magagawa dun.
"Jazelle! Kanina pa kita tinatawag. Bakit ka nakatulala diyan?" Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may tao na palang umupo sa tapat ko at kinukuha ang atensyon ko.
"Ay Ms. Gene, kayo po pala. Sorry, medyo lutang lang ako." Napakamot ako sa ulo at nginitian siya. "Break niyo rin po ba ngayon?"
Ngayon lang ulit kami nakausap si Ms. Gene dahil madalas din kasi silang busy sa HR department.
Natawa naman ito sa akin. "Oo, katatapos ko lang. Dumaan lang ako dito para bumili ng drinks. Oh, ano nang ganap sa'yo? Share ka naman! Parang malulunod ako sa lalim ng iniisip mo e."
Sandali akong napaisip kung isha-share ko ba kay Ms. Gene yung nangyari with Ms. Reiko. Baka kasi pag nalaman ng HR ay lalo lang lumaki ang gulo.
Pero may tiwala naman ako na may isang salita si Ms. Gene. Dati pa man ay komportable akong nakakapag-open up sa kanya ng mga struggles ko lalo na nung nagsisimula pa lang ako sa HNC.
Siya yung naging ka-close ko sa HR dahil sa pagiging friendly at masayahin niya. Madali siyang lapitan kaya gusto siya ng karamihan.
"Eh, ano po kasi, Ms. Gene..." Medyo nag-aalangan pa ako at di alam kung paano simulan. "Ang totoo talaga niyan, medyo nahihirapan ako sa sitwasyon ko sa LBV ngayon."
Bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit naman? Sa galing mong yan? Kaya nga ikaw ang pinili ni Ms. Sonia diba?"
"Okay naman po ako sa mismong work kaso ang hirap talagang pakisamahan ni Ms. Reiko. Hindi ko alam kung bakit lagi niya akong pinag-iinitan. Kahit anong gawin ko hindi enough para sa kanya. Feeling ko tuloy di ko deserve mapabilang sa team niya." Malungkot kong kwento kay Ms. Gene.
"Hmm.. paanong pinag-iinitan? May nangyari ba kanina kaya ganyan ka ngayon?" Pag-uusisa niya.
Isinalaysay ko lahat ng kaganapan simula sa umpisa. Mula sa napagkamalang palpak na gawa na hindi naman talaga akin, hanggang sa napakarami niyang gustong ipabago kanina. Ngunit, ang ending ay ipinapatapon lang niya.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...