"What's taking so damn long?!"
Umagang-umaga ay naghahasik ng lagim ang iritableng si Ms. Reiko sa airport.
Wala akong magawa kundi panoorin ang kawawang ate gurl sa airline counter habang tarantang kinakausap ang boss kong maldita.
Kuntento na ako sa kinatatayuan kong di kalayuan sa kanila. Hindi ko na iri-risk at baka pati ako pa ay mabugahan ng apoy.
Maya-maya pang konti ay lumakad na patungo sa akin ang mala-supermodel na babae.
Her presence made everything else fade out.
Kahit pa naka-all black ang outfit niya ay may kakaibang liwanag na pumapalibot sa kanya. Para bang meron siyang built-in na spotlight na nakasunod kahit san man siya magpunta.
I began examining her face. Her eyes are covered with large, tinted sunglasses, while her lips are painted with a dark shade of lipstick.
Her physical features are indeed to die for! The kind that naturally screams class and high-fashion.
Kung tutuosin perfect na sana talaga siya kaso sadyang kinulang lang ng ingredients at timpla si Lord pagdating sa 'attitude' department.
Sinalubong ko ang kasalukuyang nakasimangot na si Ms. Reiko. "Ano po bang problema, miss?"
"That airline messed up our reservation. We're supposed to be seated together!"
"Umm.. okay lang naman kung magkahiwalay—" Hindi ko pa nga natapos ang aking sentence ay tinapunan niya na ako ng matalim na titig.
"No! That's not okay at all, Jaz. But I already took care of it." Inis niyang pahayag.
"Anong ginawa niyo?"
"I just asked the lady to switch your seat number with someone, so you'll be able to sit beside me."
Nako! Sino naman kaya ang walang kamalay-malay na pasahero ang nadamay sa trip ni Ms. Reiko, a.k.a 'ang babaeng hahamakin ang lahat masunod lamang ang layaw'.
Knowing her, she simply wouldn't stop until she gets her way. Kahit ano pa man yan.. basta kung ano ang gusto niya, yun ang susundin niya.
"Here. Take your boarding pass." Inabot niya ang parihabang papel na naglalaman ng mga detalye ng aming flight.
First time kong sasakay sa business class kaya excited ako sa aking magiging experience. Bilang isang payak na mamamayan, economy flights lang naman kasi ang afford ko.
Tahimik kong binabasa ang nakasulat sa boarding pass nang maramdaman kong naglakad na palayo ang kasama ko. Ni wala man lang itong pasabi at di ako hinintay!
Bakit ba bigla-bigla nalang nang-iiwan 'to?
Ganun nalang ang struggle kong makasunod sa kanya habang hila-hila pa ang carry-on luggage ko.
Paano ba naman ang dalawang hakbang ko lang ata ay anim na hakbang na ang katumbas sa kanya. Kayo na bahala mag-measure kung gaano kahaba ang legs niya!
Hindi ko na rin talaga alam minsan kung sa paanong paraan ba ipi-please ang babaeng yan. Napakahirap niyang ispelingin.
Mahigit isang oras pa bago sumakay ng eroplano kaya't dito muna kami tatambay sa business class lounge. Nagikot-ikot ako sa silid dahil baka ito na ang una't huling pagtuntong ko dito.
Karamihan ng mga nagaantay dito sa lounge ay halatang mga nakakaangat-angat sa buhay.
Pagdako ko sa buffet area ay biglang kumalam ang aking tiyan. Nagningning ang mga mata ko sa dami ng pagkain sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...