2 - The Comeback

8.4K 376 97
                                    

"Good morning ma'am!" sabay-sabay na bati namin sa HR staff na nag-welcome sa amin.

"Hello everyone. My name is Maria Gene De Jesus. I'm HNC's HR specialist. Ms. Gene nalang itawag niyo sa akin." pagpapakilala niya.

"Okay guys, follow me now sa conference room for our orientation bago ko kayo i-endorse sa mga supervisor niyo."

Sinundan naman namin siya patungo sa conference room. Habang naglalakad ay inilibot ko ang aking mata sa paligid.

Napakalinis at napakalawak ng buong opisina. Marami ring kwarto para sa iba't ibang departments. Feeling ko ay maliligaw ako dito.

Nasa loob na kami ng conference room at hinihintay ang mag-oorient sa amin. Kasalukuyang sobrang lamig dahil sa lakas ng aircon dito.

Napansin siguro ni Jade na di ako mapakali sa kinauupuan ko kaya kinausap ako nito. "Saan ka nga pala nagtrabaho before nito?"

"Sa Spain ako nag-work as an English teaching assistant. Actually, kauuwi ko lang 3 months ago."

"Wow!!! Galing ka pala abroad? E bakit naisipan mo pang bumalik dito?" magkahalong mangha at takang tanong niya sa akin.

Sabi na nga ba e. Bulong ko sa isip ko. Narinig ko na naman ang tanong na yan.

"Ah, kasi natapos na yung contract ko dun. Tsaka gusto ko naman mag-pursue ng ibang career. Hindi ko pa natatry magtrabaho dito dahil dumiretso na ako dun after graduation." sagot ko kay Jade.

"Hmm, kunsabagay.. iba pa rin talaga yung nasa sariling bayan ka. Ang lungkot kaya maging OFW."

"Bakit, natry mo na ba?"

"Nako hindi ko kakayaning malayo sa mga magulang at kapatid ko. Baka wala pang isang linggo ay magpumilit na agad akong makauwi.

"Eh ikaw, saan ka naman nag-work bago mag-apply dito?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Galing ako sa start-up tech company as writer din. Pero ang lala! Sobrang toxic nung boss ko dun, halos araw-araw ako nakikipag-away sa kanya."

"Pano ba naman kasi.. ang dami niya laging demands at gusto kami laging mag-overtime. Pero puro OTY lang kami." naiinis na kwento ni Jade.

"Huh?! Anong ibig sabihin ng OTY?"

"OTY.. e di ano.. parang overtime pero thank you nalang ganun basta walang bayad-bayad. Hindi kasi naniniwala sa overtime pay ang kumpanya namin." pagpapaliwanag niya.

"Kaya manigas sila kakahanap ng kapalit namin. Nag-resign nalang ako para naman maisalba ko ang mental health ko."

Grabe naman pala yung experience ni Jade. Sana lang ay hindi ganun ang kalakaran dito. Pero sa tingin ko ay hindi naman dahil kilala at well-established na itong company.

Nang dahil sa kuwento niya ay mas lalo ko lang napatunayan na palaban at wala nga talagang inuurungan ang babaeng 'to.

Natapos din ang halos isang oras na orientation kung saan diniscuss sa amin yung background ng company at iba't ibang mga rules and policies.

At pagdating sa Q&A portion, syempre hindi papatalo ang Jade niyo. Tinanong niya talaga agad kung paid daw ba ang overtime #priorities.

Mabuti na ring alam namin kung anong napasukan namin sa simula pa lang. Salamat sa pagla-lakas loob ni Jade, at least we know na hindi kami aabusuhin pagdating sa overtime.

After ng orientation ay ipapakilala na kaming bagong hires sa kanya-kanyang supervisor namin.

Sinimulan na naman tuloy akong kabahan. Sana mabait siya pati mga makakasama ko sa trabaho.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon