19 - Back to Square One

8.4K 482 235
                                    

"Saan tayo kakain?"

Tatlong simpleng salita na kay hirap sagutin. Wala atang magbabarkada o magkakatrabaho na hindi nakaligtas sa dilemma na ito.

"Kahit saan."

"Masarap ba ang pagkain sa 'kahit saan' na yan?"

"Kahit ano, Terrence. Ikaw na bahala."

Tahimik ko lang pinapanood ang mga teammates ko habang nagdidiskusyon sila sa elevator kung saan kami magla-lunch. Normal scenario na ito at madalas dito nauubos ang aming oras.

"Oh sige.. mag-chicken nalang tayo." Suhestyon ni Terrence sa grupo namin.

"Ayoko niyan. Allergic ako sa manok." Maarteng sagot ni Vince na pailing-iling pa.

"E di pizza and pasta nalang."

"Wag yun! Hindi nakakabusog. Dapat may kanin." Pagtutol ni Kenneth.

Napakamot nalang ng ulo si Terrence sa inis. "Ay ewan ko na! Ang gugulo niyong kausap. Kayo 'tong may sabing ako na bahala tapos puro ayaw niyo."

Hinayaan ko na silang mag-decide dahil go lang naman ako sa kahit ano. Pagdating sa lobby ay kinapa ko ang aking bulsa at nalamang hindi ko pala nadala yung employee access pass ko.

"Guys, una na kayo. Text niyo nalang kung saan kakain. Naiwan ko sa taas yung pass ko." Sabi ko at mabilis na hinabol ang papasarang elevator.

Nang makapasok sa LBV room ay nakarinig ako ng ingay sa di kalayuan. Hindi pamilyar ang lenggwahe nito. May nanonood yata ng anime?!

Kaloka! Bakit naman sa loob mismo ng office nanonood tapos ang lakas pa? Baka masita sila ni Ms. Rei— teka lang... pero bakit parang kaboses ni Ms. Reiko yung nagsasalita?

Hinanap ko kung saan galing ang ingay at natagpuan ko si Ms. Reiko na kasalukuyang nakatalikod habang nakikipagtalo sa kanyang kausap sa phone.

Hala grabe! Ang scary pala niya magalit in Nihongo. Kausap kaya niya ang tatay niya?

Nang matapos ang tawag ay pagalit itong humarap. Saglit pang gumuhit ang gulat sa kanyang mga mata at mabilis itong napilitan ng malamig na tingin.

"What are you doing here?"

"May nakalimutan lang kasi ako. A-ah.. okay ka lang? May problema ba?" Nauutal kong tanong.

"Why do you care?" I was taken aback because of her harsh tone. Ang talim pa ng mga titig niya.

"Nagtatanong lang naman ako. May mali ba dun?"

"You're being too nosy. That's what's wrong!" Naihulog ba ito nung sanggol at nabagok yung ulo niya? Bakit ganyan ang ugali niya at paiba-iba?

"Pwede mo naman sigurong sabihin sa akin ng maayos. Nag-aalala lang kasi ako."

"Don't think na dahil lang nag-open up ako, you have the right to pry into my life. We're not friends. You're just a subordinate to me! Know your place and get that into that stubborn head of yours!"

Ouch. Ang sakit nun ha! Para akong nakatanggap ng magkakambal na sampal mula sa kanya dahil sa binitawan niyang mga salita.

Sa mga oras na ito, it's better to be the bigger person. Pagod na rin talaga ako. Walang patutunguhan kung sasabayan mo ang taong galit kaya pinili ko nalang mananimik.

Bumuntong hininga ako upang iwaksi ang hiyang nararamdaman. "I'm sorry po, Ms. Reiko. I'll go ahead." Nakayukong paghingi ko ng tawad bago dali-daling lumabas ng silid.

Hindi ko alam kung sinong Olympic sprinter ang sumapi sa akin dahil sobrang bilis kong napatakbo palayo ng building namin. May mga ilang nabangga pa nga ako sa daan kaya wala sa sarili akong humingi ng paumahin sa kanila.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon