14 - The Proposal

6.2K 362 69
                                    

"What the hell Sonia? Why is she here? I don't need an assistant. I can go there on my own!"

Pinapanood ko mula sa loob ng sasakyan ang pagtatalo nila Ms. Sonia at Ms. Reiko. Heavily tinted naman yung kotse kaya hindi ako worried na makita nila ang pakiki-usyoso ko.

"Come on Reiko.. I know how nervous you can get when it comes to these things. At least you'll have someone by your side."

Totoo ba?! Kinakabahan pa rin pala siya sa lagay na yan? Anyare sa Reiko Horie na kinatatakutan ng marami? Mukhang may bago na naman akong nalaman tungkol sa kanya ngayon.

"But not her! She's just a distraction! Baka masira lang ang presentation ko kay DC."

Paki ko ba sa presentation niya! Saan naman niya napulot yung idea na guguluhin ko yun? Napilitan lang din ako sa sitwasyon na ito.

Umikot ang mata ni Ms. Sonia. "Don't be ridiculous, Reiko." Ngayon ko lang siya nakitang nairita ng ganyan. Usually, mahaba ang pasensya ni Ms. Sonia at very level-headed siya sa lahat ng bagay.

Siguro may something talaga sa ugali ni Ms. Reiko na sadyang nakaka-trigger sa mga taong nakakasalamuha niya.

"Just get in the car, okay? Baka malate pa kayo sa meeting. Mind you, DC is such a stickler for time."

Ibang klase rin itong si Ms. Sonia. Kayang-kaya niyang paamuhin at pasunurin ang isang yun! Nagagawa niya ang tila imposible.

Mabilis akong napausod sa kabilang side ng kotse nung papasok na si Ms. Reiko. Bakas ang inis sa mukha niya nang mabungaran ako. Parang gusto ko nalang tuloy mag-back out at umalis.

Awkward... Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nag-attempt kausapin siya dahil obvious namang masama ang timpla niya.

Inaliw ko nalang ang aking sarili sa pagdungaw sa bintana at pagtanaw ng kung ano-ano. Sandaling lumipad ang isip ko kaya bahagya kong nakalimutan na may kasama pala ako.

Paminsan-minsan ay nararamdaman ko rin ang  pagkirot ng kamay ko kaya minamasahe ko ito habang nakatingin sa malayo.

"How's your hand?" Rinig kong may mahinang boses na nagsalita mula sa kanan ko.

Lumingon ako at sinalubong ang mata niyang nakatingin sa kamay ko. "Huh?" Ano raw ulit yung tinatanong niya? Ay, oo nga pala. Yung injury ko.

"Does it still hurt?" Sunod na tanong niya sa akin. I must be hallucinating dahil parang may halong pag-aalala sa tono ng boses niya.

"Umm.. medyo. Pero pasumpong-sumpong lang."

Tumango siya at bumaling na ulit sa bintana. Weird! Bored lang siguro ang isang 'to kaya pinagtiyagaan nalang niya akong kausapin.

Gusto ko sanang alamin kay Ms. Reiko kung ano bang dapat kong gawin sa meeting nila ni DC. Magte-take notes ba ako? Taga-timpla ng kape? O baka kailangan niya ng magbi-bitbit ng gamit niya?

Teka lang. Kelan pa nasama ang pagiging alalay sa job description ko? Parang hindi naman ito part ng kontratang pinirmahan ko ah.

Pagsulyap ko ulit ay nakatuon na ito sa kanyang iPad. Malamang nire-review niya yung proposal for later kaya hindi ko na muna siya ginambala.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon