3 - "Miss"-terious

7.6K 355 62
                                    

Abala ang isang babae sa pagtitipa sa kanyang laptop nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"Hello?" seryosong sagot nito.

"I assume you've already heard what went down in the board meeting yesterday, right?" Bungad ng isang tinig sa linya.

Tila walang gana namang sumagot ang babae habang patuloy pa rin sa ginagawa niya.

"Yeah, I did."

"So, what are you planning to do now? Looks like they're dead set on discontinuing La Belle Vie."

"You know I won't let that happen, Sonia." Buntong-hiningang sabi ng babae.

"Okay then, does that mean you're coming back to the Philippines?"

"Yes. I won't let all my years of hard work just go to waste. I'm coming back to fix things. I'll let you know when I'm on my way."

"Right, I'll see you soon then. And oh— by the way Reiko, have a safe flight okay?"

"Hmm, I will. Thanks Sonia. See you." Sambit ni  Reiko bago tuluyang ibaba ang tawag.

*******

Isang oras nalang bago mag-lunch break at wala kang ibang maririnig sa loob ng room kundi angry typing sounds mula sa aming lahat.

Bukod kasi sa gusto na naming mag-lunch dahil karamihan sa amin ay hindi nakapag-breakfast kanina ay naghahabol kaming lahat ng deadlines.

Kaya naman kulang nalang ay kumalas na yung mga letra sa aming keyboard dahil sa pagtatype. Wala munang usapan. Galit-galit muna ang lahat.

Natauhan naman kami nang biglang magsalita si Ms. Sonia. "Guys, pause niyo muna mga ginagawa niyo. Let's just have a quick meeting before lunch."

Medyo nakahinga kami ng maluwag nang marinig iyon. Kapag may biglaang meeting kasi ay 'matic nang mamo-move ang deadlines namin.

Nang handa na ang lahat ay itinuon na namin ang atensyon kay Ms. Sonia at inantay siyang magsalita.

"Alright, so I have an important announcement to make. This week, our former editor-in-chief, Reiko Horie, is coming back to HNC Publishing."

Matapos marinig yun ay pasimple kaming nagkatinginang lahat. Nung nakaraang araw pa kasi kalat ang balitang yan dahil na rin sa mga chismosa sa company a.k.a si Sharmaine.

"As you all know, La Belle Vie is the flagship lifestyle magazine of HNC Publishing. We're actually planning to do a revamp and re-release it on the market."

"This is a very special project guys, especially for our editor-in-chief. And since all of you are doing online content right now, some of you may be transferred to La Belle Vie."

Ikinagulat namin iyon. Medyo nalungkot din ako na may mababawas sa amin. Naging tight na rin kasi kaming lahat sa room.

Si Jade ang unang bumasag sa katahimikan. "Ms. Sonia, bale sino-sino po yung malilipat sa amin?"

"For now, hindi ko pa nafa-finalize yung list. Nakikipag-coordinate pa ako with the other editors dahil may kanya-kanya rin silang picks. Anyway, I'll let you guys know soon once Reiko gets here since she'll do the final approval."

Napatango nalang kaming lahat sa inannounce ni Ms. Sonia. Confident naman ako na hindi ako yung isa sa mapipili dahil bago palang ako sa company.

Baka kasama si Kuya Daniel dun dahil Senior writer na siya at mukhang high-priority yung project na yun. Parang nalungkot naman tuloy ako lalo.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon