5 - Walk Out Queen

6.1K 347 70
                                    

Maingat kong binuksan ang pintuan ng meeting room at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala pa si Ms. Reiko.

Binigyan ko ng matipid na ngiti ang mga taong nandun. Karamihan sa kanila ay di ko pa kilala. Habang yung iba naman ay familiar faces lang dahil nakakasalubong ko sila sa hallway or pantry.

Sandali akong natigilan nang makitang halos okupado na yung mga upuan sa round table. Ang tanging natitira nalang ay yung pinakamalapit sa kabisera kung saan uupo si Ms. Reiko.

Pisting yawa. Napapikit nalang ako at naupo na.

Finally, dumating na ang mahal na reyna kasabay si Ms. Sonia na pasimple akong nginitian nang makita niya ako.

"Is everyone here already?" Seryosong tanong ni Ms. Reiko na parang tinapatan ang aircon sa meeting room dahil sa cold ng pagkakasabi nito.

Napatingin naman si Ms. Sonia sa kabuuan naming lahat at parang nagbibilang. "Yeah, I think we're complete." sagot niya.

"Alright, let's start the meeting then."

Dahil sa posisyon ng kinauupuan ko ay mas malaya kong napagmasdan ang mukha nito.

Bakit ganon? Parang 5 times ata siyang gumanda sa malapitan?

Sa mga sandaling yun ay lalo ko lang na-realize na sadyang napaka-unfair ng mundo. Talaga ngang may favorites si Lord.

Nagsimula naman nang magsalita si Sonia. "Okay everyone, I want to welcome you all to the LBV team. Our agenda for this meeting is to decide on the cover story and other related write-ups for our first issue."

"We're scheduled to release the magazine on March, which is National Women's Month. Ideally, our cover story should revolve around women empowerment. So, any ideas?"

Bigla namang napaisip ang lahat at maya-mayang onti ay may lalaking nagtaas ng kamay.

"Yes, Kenneth. What do you have in mind?" tawag sa kanya ni Ms. Sonia.

"Since we're focusing on women empowerment, how about we feature female athletes for the cover?"

Sabay-sabay naman kaming naglipat ng tingin kay Ms. Reiko kung anong sasabihin niya sa suggestion nung Kenneth. Pero no reaction ito at patuloy lang sa pagkakalikot ng iPad niya.

Dahil dun ay si Ms. Sonia nalang ang sumagot. "Uhhh, that's a good idea Kenneth. But I think our sports magazine is doing something similar na kasi e. Thanks for your suggestion though."

Nagsimula na ang bawat isa na magbato ng kani-kanilang suggestions. Ngunit, tila ba parang hangin lang ang lahat ng mga ito kay Ms. Reiko.

Ni hindi man lang niya makuhang tingnan yung nagsasalita or i-acknowledge man lang yung ideas nila. Ano bang klaseng meeting ito? Nakakaloka!

Medyo naaawa na nga ako kay Ms. Sonia dahil parang siya ang naging spokesperson nito.

Kada tanong niya kasi kay Ms. Reiko kung anong tingin niya sa idea ay parang disappointed sigh lang ang ipinapakita nito.

Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa batuhan nila ng suggestions. Wala kasi akong maisip sa ngayon dahil parang nahihilo na ako sa lakas ng perfume nitong babaeng pinaglihi sa robot.

Ano kayang brand ng perfume niya? Gucci? Chanel? Marunong kaya siyang ngumiti? Sunod-sunod kong tanong sa sarili habang palutang-lutang ang isip ko sa kawalan.

Nabalik nalang ako sa reyalidad nang marinig kong nagsalita na ito sa wakas.

"How about you?"

Hinanap ko pa kung sino ang kinakausap niya at nagulat ako nang makitang direkta pala itong nakatingin sa akin.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon