16 - A Glimpse Into Her Mind

6.5K 400 89
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang meeting with DC. Ang daming nangyari nung araw na yun! Marami rin akong natuklasang bago pagdating kay Ms. Reiko.

Pagkauwi ko naman nung kinagabihan ay nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba.

May parang something na biglang nag-take over sa katawan at buong pagkatao ko.

Sadya itong nakakanginig, nakakapanghina, biglaan, hindi inaasahan.

At yun ay ang realization na....

Shet. Feeling ko para akong magkakasakit!

Gayunpaman, ipinagsawalang-bahala ko lang ito. Malakas ang pananampalataya ko sa aking immune system at alam kong hindi ako nito bibiguin. Kaya maayos akong nakapasok kahapon.

Pero mukhang hindi ko yata araw ngayon.

Ang bigat kasi ng buong katawan ko pagkagising kaninang umaga. Nakaramdam na rin ako ng pangangati ng lalamunan.

Kasalanan ko talaga 'to dahil nagpaulan ako nung gabing nag-dinner kami ni Ms. Reiko at hindi muna inantay na tumila ito.

Ngunit, hindi ako magpapatalo kahit nanghihina. Pumasok pa rin ako bilang isang mabuting alipin ng salapi. In fact, ang aga ko nga e! 8:15 am palang ngayon pero nandito na ako sa HNC.

Pagdating ko sa LBV room ay yung teammate kong si Vince palang ang tao dun. Binati ko siya at agad na tinungo ang aking workspace.

Natigilan naman ako nang maabutang may nakapatong sa desk ko.

"Vince! Sa'yo ba itong iced coffee?" Tanong ko sabay angat ng inumin para ipakita sa kanya.

"Nope. Hindi na ako nagkakape, remember?" Maarteng sagot ni bakla sa akin.

Sino naman kayang nakaiwan nito? Sinipat ko yung cup pero walang pangalang nakasulat. Imposibleng kahapon pa 'to dahil buo pa yung yelo at halatang bagong gawa ang kape.

"Wala pa bang ibang pumapasok dito?"

Umiling si Vince. "Sa pagkakaalam ko ako palang nandito— ay wait! Nandyan na rin pala si Ms. Reiko sa loob." Tumuro siya gamit ang nguso.

Dahil dun agad akong napatingin sa office ni Ms. Reiko pero nakababa pa ang mga blinds nito.

Weird. Oh well, nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko na poproblemahin kung sinong may-ari ng kape at marami pa akong gagawin.

Lumipas ang isa't kalahating oras pero parang isang buong araw na ito sa akin dahil kasalukuyang nilalabanan ko ang sakit ng ulo ko.

Tutok ako sa aking ginagawa habang minsa'y napapahilot sa aking sentido. Bigla naman akong
nakaamoy ng pamilyar na pabango kasabay ng tunog ng takong na papalapit sa pwesto ko.

"Can you make these quick changes for me?"

Hindi pa man ako lumilingon ay kilalang-kilala ko na kung sino ang may-ari ng boses na yun.

"Okay, Ms. Reiko." Maikling tugon ko dito at kinuha yung mga papel na inabot niya.

Akala ko aalis na siya pero nagtaka ako dahil nakapirmi pa rin ito sa kinatatayuan niya. Hindi naman niya kasi ugaling maghintay pag may pinapagawa siya. Baka super urgent lang talaga.

"Ummm.... may iba pa po ba kayong kailangan?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya at sinalubong ang blangko niyang tingin.

"Aren't you going to drink that?"

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon