11 - Love Moves in Mysterious Ways

7.3K 403 177
                                    

Pumasok ako sa LBV room nang may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko maexplain pero ang ganda ng mood ko kanina paggising.

Nakapagtataka dahil walang katao-tao sa loob. Tumingin ako sa aking relos at nakitang malapit naman na mag-alas nueve. Nasaan na kaya yung mga kasama ko?

Mahina akong napasinghap nang dumako ang mata ko sa mga nakalagay sa desk ko. Umagaw sa aking atensyon ang isang napakagandang bouquet ng pink and white camellia flowers.

May kasama pang cute na medium-sized plushie ni Kuromi. Isang character ito sa Sanrio My Melody na may buntot at parang sungay.

"Finally, you're here!" May boses na nagsalita mula sa aking likuran. Paglingon ko ay halos masilaw ako sa nagniningning na ngiti ni Ms. Reiko.

"Have you thought about what I asked you? What's your answer?" Kumikinang ang mga mata nito habang hinihintay ang sagot ko.

"Huh? Anong answer?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya dahil wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

Napaikot naman ang mata niya. "Come on.. it's just a simple yes or no."

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras. Nagsimulang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Listen carefully. This is the last time I'm gonna ask you this. You know I don't like repeating myself."

"Jazelle, will you be....." Pigil hininga kong hinintay ang mga kasunod na salitang bibitawan niya.

Nang bigla naman akong nakarinig ng isang pamilyar na tunog na laging nagbibigay ng kakaibang inis sa akin.

Paulit-ulit ang ingay nito na sadyang masakit sa tenga. Ito ay ang tunog ng aking.......

Alarm clock?

Pagmulat ko ng aking mata ay napagtanto kong nasa kwarto ako ngayon. Madali kong pinatay ang nakakarinding alarm at napahilamos sa mukha.

So, panaginip lang pala yun?!?

Nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Minsan talaga napaka-weird at random ng mga napapanaginipan ko. Ngunit, nag-iwan ito ng maraming katanungan sa isip ko.

Una, kanino galing yung bouquet at plushie? Pangalawa, para saan yung hinihinging sagot ni Ms. Reiko? At pangatlo, ano yung itatanong sana niya sa akin na biglang naputol dahil sa alarm ko?

Ewan! Ang dami-dami ko nang iniisip, dadagdag pa yun. Bakit ko ba sasayangin ang oras ko mag-decipher ng panaginip na hindi naman talaga nagma-make sense?

Kahit batid kong kailangan ko nang maghanda para pumasok ay hindi pa rin ako tumatayo sa kama. Medyo nakakapagod din ang routine ko. Gigising, magtatrabaho, uuwi, matutulog, tapos sunod na araw ganun ulit.

Nakatulala lang ako sa kisame habang napatanong ako sa aking sarili. Para kanino nga ba ako bumabangon?

Ang hirap palang i-maintain ng pagiging motivated lalo na kung wala kang source of inspiration.

Napailing nalang ako sa kadramahan ko. Syempre ano pa bang ibang motivation natin sa pagtatrabaho kundi kumita ng PERA?!

Hay naku, Jazelle. Kumilos ka na nga diyan at pumasok sa trabaho. Hindi ka mayaman! Kailangan mong kumayod para sa ekonomiya.

*******

Nasa archive room ako ng HNC at abala sa paghahanap ng mga previous issues ng La Belle Vie magazine na gagamitin naming reference.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon