Third Chapter - Ang Kayamanan ng Gangster

4.9K 223 20
                                    

I dedicate this chapter to my first ever follower here on wattpad, MiiCiiM. This is for you, girl :) thanks for spending time reading my story. Mwuaaps! :*

----------
Chapter 3

"What's your relation with the patient?" the nurse asked me. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kilala ko siya pero hindi naman kami magkaano-ano at hindi rin kami friends. I just told her na I just saw him lying on the streets and that I don't know him. Marami pa siyang tinanong at sinagot ko naman lahat.

Hindi parin mabura sa isip ko yung mga nangyari kani-kanina lang. Yung baril pala ni kuyang pedicab driver eh peke at laruan lang. Dinadala niya lang daw yun for protection. Psh. Paano kaya siya mapoprotektahan ng isang laruan? Kung sa bagay, natakot nga yung mga gangster, eh. Haaay. Kinabahan pa naman ako nang sobra. And what's bothering me more is si Jet yung lalaking tinulungan namin. Remember him?

Tinext ko si mama about dito sa nangyari dahil tiyak na nag-aalala na yun. Naunawaan niya naman. Hindi kasi ako pinapauwi ng nurse hanggat wala daw dumadating na kamag-anak si Jet. Wala rin naman silang makitang wallet or phone man lang sa katawan ni Jet kaya they don't know who to contact. Ninakawan siguro siya bago bugbugin. Kawawa naman.

Nandito na ako ngayon sa ward kung nasaan si Jet. Natutulog siya habang ako ay nakaupo sa isang monoblock sa tabi ng bed niya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising lang ako nang magsalita yung tao sa harap ko.

"W-Who a-are you?" halatang nahihirapan pa siyang magsalita. "Nasan ako?"

Hindi pa nga ako nakakasagot tapos may follow-up question agad? Aba matindi tong lalaking to. Umayos ako ng upo at nagkusot ng mga mata.

"Ano kasi, kanina nung pauwi na ako, nakita kita na binubugbog ng limang lalaki. Tinulungan kita at dinala dito sa opsital." sabi ko pero ang totoo, si kuyang pedicab driver talaga yung gumawa ng mga yun. I was just his assistant. "Nasa hospital ka ngayon. Hindi naman kita maiwanan kasi sabi nung nurse hintayin ko daw na may dumating na relatives mo pero hindi naman namin alam kung paano kokontakin yung family mo kasi wala kang cellphone o kaya ay wallet man lang nung nakita ka namin."

"Namin? You mean may kasama ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Ah....oo. Actually yung driver ng sinasakyan kong pedicab kanina, siya talaga yung nagligtas sayo sa mga lalaking yun. Ako lang yung nagdala sayo dito."

"Ahh.. do...do you have a phone?"

"Ah oo meron." Inilabas ko yung cp ko.

"Please call my mother for me. Ah no, just call my cousin instead. His number's..." Dinictate niya ang number ng pinsan niya at tinype ko naman sa cp ko. Pinress ko ang dial key at itinapat ito sa tenga ko.

Nakailang dial ako pero walang sumasagot. Nagriring naman siya pero wala talagang sumasagot. Sa ikalimang pagkakataon ay dinial ko ulit. Pagkatapos ng ikaapat na ring ay isang pamilyar na boses ng lalaki yung sumagot. Hindi lang ako sigurado kung sino ito.

"Sino ba to!!!!!" Galit na sabi nung lalaki sa kabilang linya na akala mo eh inistorbo sa pagtulog niya.

"Yung pinsan mo kasi, kasama ko siya ngayon. Dinala ko siya sa ospital ng Maynila. Pinatawagan ka niya sa akin."

"ANO!!!!! Sino ba yang pinsan na sinasabi mo!!!!!" Kinailangan kong ilayo nang kaunti sa tenga yung cp ko dahil ang lakas ng boses ng lalaki sa kabilang linya.

"S-Si Jet Arquiza."

"Sigurado ka!!!!! Pag ako pinaglololoko mo lagot ka sakin!!!!!" Bigla kong naalala si Tyrone. Parehas kasi sila ng way ng pakikipag-usap sa tao, eh. Binabaan niya ako pagkatapos.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon