Thirty-ninth Chapter - Shadows and Sanctuary

3.6K 182 26
                                        

CHAPTER 39



Mico's POV


"PAPATAYIN KITAAAAAAAAA!!!!" palahaw nung lalaki.

Takot na takot akong nagtatakbo palayo sa kanya. Ngunit kahit anong bilis ng ginagawa kong pagtakbo ay nahahabol pa rin ako nito habang may hawak na kutsilyo. Walang katao-tao sa paligid kahit saan ako lumingon. Sigaw ako nang sigaw para humingi ng saklolo pero walang taingang nakakarinig sa mga pagdaing ko. Biglang kumulog at pagkatapos ay bumugso ang napakalakas na ulan.

Nang lingunin ko ang lalaki ay nakangiti lamang ito. Ngiting nakapangingilabot. Ngiting makapanindig-balahibo. Napahinto ako sa pagtakbo nang makaaninag ako ng pigura ng isang babae. Naglalakad ito palapit sa akin hanggang sa unti-unti kong maaninag ang mukha nito...



clank! clank!



Mabibigat ang mga binitawan kong paghinga nang magising dahil sa ingay na likha ng metal na nalaglag sa sahig.

Thank God, it's just a dream, aniko sa aking isipan.

May naamoy akong kung anong nasusunog.

"Shit. Ang init pala," reklamo ng isang boses.

Boses ni Saltikin 'yun, huh, nasabi ko sa aking sarili. Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako at ngayo'y nakaupo na lamang sa kama habang ang dalawang paa ay nakalapat sa sahig. Sinipat ko 'yung wall clock—5:30 pa lang. 7:00 'yung first class ko at if I remember it right, 7:00 din ang first class ni Saltikin. Nakakapanibagong ang aga niyang nagising ngayon.

Pumunta sa "kitchen" 'yung tingin ko at automatic na gumuhit ng isang ngiti ang aking mga labi habang tinitingnan ang hubad na likod ni Saltikin habang nakaharap ito sa gas stove.

In that instant, nawala lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nandiyan siya. Feeling ko ay walang makakapanakit sa'kin dahil nandiyan siya para protektahan ako katulad ng ginawa niya kahapon. He's like my knight-in-shining-armor.

Hmmm... he really has broad shoulders. Obviously, I said that to myself. At 'di naman halatang masyado siyang proud about it. Hope you noted the sarcasm in there. Hehe.

"Putek, sunog na naman," dinig kong sabi niya na very evident sa tono ng pananalita ang frustration.

"Akala ko kung ano nang nasusunog, eh," pabiro kong sabi habang naglalakad papunta sa banyo. Automatic naman siyang napalingon sa'ki't ngumiti.

"Uy! Good morning! Gutom ka na ba? Wait lang, malapit na 'tong maluto," bati niya. Nginitian ko lang rin siya bago tuluyang pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.

After three minutes ay lumabas na ako ng C.R. Nasa harapan pa rin siya ng gas stove at nagpapaka-chef.

"Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ko at naglakad palapit sa kanya. Nakita ko agad ang tatlong sunog na pancakes na nakalapag sa pinggan. And when I said "sunog", malapit nang umitim 'yung pancakes.

"Pancakes. Hehe," sagot niya. Ewan ko pero ang cute-cute niya tingnan sa suot niyang apron. Para siyang batang nagluluto-lutuan. Although I have to admit that he's oozing with you-know-what-it-is right now.

"Marunong ka?" pinipigilan kong matawa nang tanungin siya.

"Honestly, no. Haha. Palaging nasusunog. Sinusunod ko naman lahat ng instructions na nakasulat sa box pero wala, sunog pa rin," nakangiti pa rin siya habang nagkekwento.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon