Chapter 17
Mico's POV
ON the way na kami ni Mikay sa orphanage. Oo, kasama kami sa mga magcecelebrate dun para sa birthday ni Tyrone. Ininvite kasi kami ni Mr. Rivera. Sobrang saya ko kasi matutupad na yung matagal ko ng hiling, ang makasama ang taong pinakamamahal ko sa birthday niya.
Hindi talaga matigil ang mga labi ko sa pagngiti.
Tiningnan ko yung regalo ko para kay Tyrone.
'Waaa. Sana talaga magustuhan niya...'
Ang saya talagaaaa. :-)
"Hala si kuya kung makangiti?" pagbasag ni Mikay sa pagmomoment ko. -_-
"Wala kang pake." pambabara ko dito.
Nang makarating kami dun, nakasetup na yung mga tent, mga lamesa at upuan kung saan nakaupo ang mga batang nakasuot ng birthday hats, merong mga balloons–yung parang may children's party. Alam niyo yung ganung ambiance? Bigla ko tuloy namiss maging bata.
"KUYAAA!!!! ATE!!!!!" sabay-sabay na nagsitakbuhan palapit samin ni Mikay ang mga bata. Pinagyayakap nila kami at syempre gumanti ako ng yakap kaso medyo mahirap nga lang kasi sobrang dami nila.
"Kuya Mico mamaya daw may clown dito! Magmamagic!" tuwang-tuwang sabi ni Ana, 5 years old.
"Wow naman! Eh hindi naman ba kayo takot sa clown?" At nagumpisa silang magturuan kung sinong takot sa clown. Napatawa na lang ako sa ginagawa nila.
"Oh sige na, balik na kayo sa mga upuan ninyo." sumunod naman silang lahat.
Nakita ko sina Mr. and Mrs. Rivera kasama si Jet, nakasuot din sila ng party hats. Ang cute nilang tingnan. Lalapitan ko sana sila nang..
"Sir, party hat po." sabay abot sakin ng isa na ang design ay Ben10. Tinanggap ko naman ito at sinuot.
"Salamat po." turan ko bago tuluyang nilapitan sila Mr. and Mrs. Rivera.
"Good afternoon, ma'am and sir!" pagbati ko sa kanila.
"Good afternoon, Mico! We're glad you came!" - si Mam.
"Take a seat." si Sir.
"Thank you po." nginitian ko sila pati na rin si Jet at balak ko sanang tanungin kung nasan si Tyrone nang biglang may nagplay na music na pangparty. Yung ibang bata tuloy eh nagumpisang magsayawan.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood sila.
"Ang saya nilang panuorin, right?" tanong ni Mrs Rivera.
"Tama po kayo. Sa sobrang saya po nila natatransmit nila sa atin yung vibes."
Napapalakpak kami ni Mrs. Rivera dahil biglang may nagtumbling na bata, si Japhet pala.
"They're just so lovely." bulalas ni Mrs. Rivera.
Ewan ko pero parang nay nagsasabing lumingon ako sa kaliwa ko kaya naman lumingon ako. And there I saw him, walking towards us, the birthday boy. Nakapoloshirt lang siya na black, gray na pants at white sneakers pero para sakin sobrang lakas pa rin ng dating niya. Tapos nakashades pa siya. Para siyang artista.
Napansin ko na may kasama siya, si Leo pala.
"Hey there, son!" tumayo si Mr. Rivera at niyakap ang anak niya. Binati niya ito ng happy birthday. Ganun din si Mrs. Rivera at Jet.
Umupo siya sa tabi ng daddy niya at si Leo naman sa tabi ni Jet.
Ako - Mrs. Rivera - Mr. Rivera - Tyrone - Jet - Leo
BINABASA MO ANG
Locker 246
ЮморMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
