Sixteenth Chapter - He's 20.

4.2K 193 5
                                        

Chapter 16

Tyrone's POV

NAREALIZE kong hindi ko naman na kailangan ng magarbong birthday celebration dahil una, matanda na ko, at pangalawa, ayoko ng ako yung center of attention. Oo alam kong I am such a headturner pero hindi ko ginusto yun. Hindi ko ginustong maging gwapo, macho at appealing in short perfect, at sarilihin ang atensiyon ng lahat.

Kaya naman nagpasya kong hindi na ituloy yung pagpunta namin sa Batangas at dun magcelebrate. Sa bahay na lang siguro.

So I was here at my dad's office to tell him my awesome decision.

"Are you sure about that, son? We've been planning for this since last month. What made you change your mind?"

"I'm already 20, dad. Tingin ko hindi na natin kailangan ng malalaking selebrasyon to celebrate the day of my birth. Basta kasama ko kayo ni mom sa araw na yun, masaya na ko."

"Well then, are you just going to throw a party for your friends, or maybe we could just give you money and you go buy yourself a present?"

"Hindi na, dad. Wala naman akong masyadong kaibigan. Tsaka hindi niyo na rin ako kailangang bigyan ng pera. Sabi ko nga, masaya na ko na kasama ko kayo sa birthday ko. Uhmm..pwede ring sa iba na lang na bagay ilaan yung pera."

"Ibang bagay? Like what?"

"I don't know. Maybe we can donate it to cancer patients. Yung mga ganun."

Hindi nakasagot si Dad. Nakatitig lang siyang nakangiti sakin.

"Bakit..ganyan po kayo makatingin sakin?"

"Well.. I just can't believe that my baby boy has all grown up now. Dati tumatakbo ka pa nang hubo't hubad sa loob ng bahay," napangiti ako. "but look at you now. You've matured and even talks about charity. I think I am the proudest father in the world."

Nilapitan niya ko at niyakap. Matagal-tagal na rin mula nang huli kong mayakap si daddy. Aaminin ko, namiss ko to nang sobra.

"Thank you, dad."

Sa buong buhay ko, mabibilang lang sa daliri ang mga bagay na gusto ko. Isa na dun ay ang maging proud sila mom at dad sakin. Kaya naman lahat ng gusto nila sinusunod ko. Nung pinag-quit nila ko sa pagbabasketball, sinunod ko sila kahit na sobrang labag sa loob ko. Pakiramdam ko nun, para kong isang ibon na pinagbabawalang lumipad. But for the sake of making them proud, I quitted.

Sige na nga. Aamin ko na. Hindi talaga ko perfect. Almost lang. Hindi ako matalino. Pasang awa lang ako lagi. Binabayaran na lang nila dad yung school para medyo maayos naman yung academic records ko. Ewan ko ba. Sinusubukan ko naman talaga e. Pero alaws talaga.

Dahil tuloy dun, lagi akong nakukumpara sa pinsan ko. At ayoko ng ganun. Ayoko ng kinukumpara ako sa iba. Lalo na kung parents mo pa yung gagawa nun. Parang nakakababa lalo ng self-confidence, self-esteem, self-respect, basta lahat ng may self, i search niyo na lang.

Di ko tuloy maiwasan na magrebelde. Kasi bukod sa palagi silang walang time sakin dahil sobrang busy nila sa businesses nila, ganun pa yung nangyayari kapag kasama ko sila. Naramdaman ko na parang mas mahal pa nila yung hindi nila tunay na anak. Kung dati sinusubukan ko pang mag-aral, dumating yung point na hindi na talaga. Yung wala na kong pakialam kahit bumagsak ako.

Natuto kong uminom. Nasubukan ko ding magyosi kaso tinigil ko rin kasi di naman masarap. (A/N Ay? Hindi namn kasi yun kinakain, bhe.)

Naging aloof ako sa ibang tao.

Pero lahat ng yun, nasa past na. Well, hindi naman sa kakalimutan ko na. Sabihin na lang natin na, nito-nito lang, natutunan kong magtiwala sa sarili ko. Sa mga kakayahan ko at sa mga kahinaan ko. Lahat tayo nagkakamali, so what matters most is kung anong action ang gagawin natin pag nagkamali tayo.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon