Chapter 21
Mico's P.O.V.
Nasa university infirmary na ako nang magising. Bumangon ako sa kamang hinihigaan ko at agad na hinanap 'yung eyeglasses ko. Kinapa ko ito sa lamesang katabi ko pero wala ito doon.
Napalingon ako sa likod ko nang may magsalitang babae.
"Oh, mabuti naman at nagising ka na," malambing na bati ng nurse. Tiningnan ko siya pero ang nakikita ko lang ay 'yung puting damit na suot niya dahil sobrang labo ng paningin ko.
"Ahm, Miss, nakita niyo po ba 'yung eyeglasses ko?" nag-aalalang tanong ko.
"Hmm? Hindi, eh. Ewan ko lang dun sa lalaking naghatid sa'yo dito," kaswal niyang sagot.
"Lalaki po?" takang tanong ko.
"Oo. Ay, oo nga pala, kontakin ko raw siya kapag nagising ka na. Wait lang, ha," paalam niya sabay dukot ng cellphone sa bulsa. Napansin kong may dinial siya.
"Miss, anong oras na po?" tanong ko, kasi parang ang dilim na sa labas.
"8 na," tipid niyang sagot habang hinihintay sumagot ang nasa kabilang linya.
"Po?!" bulalas ko sa matinding pagkabigla. Alas-otso na ng gabi? Eh 7:00–9:00 AM 'yung Basketball class ko, eh! Ibig sabihin, almost twelve hours akong nakatulog? Grabe naman?.
"Hehe. Tulog-mantika ka kasi, eh. Gigisingin na nga sana kita kasi magsasara na kami, pero sakto nagising ka na. Teka, ayaw niyang sagutin," reklamo ng nurse sabay baba ng phone niya.
"Ahm... sino po bang lalaki 'yung naghatid sa'kin dito?" usisa ko.
"Hindi niya binigay 'yung pangalan niya, eh. Pero ano siya... gwapo, tapos matangkad, then moreno. Nakasuot siya ng jersey at sa pagkakatanda ko, 'Rivera' 'yung nakasulat sa likod," pag-alala niya.
Aah. Bakit parang biglang may mga insektong 'di mapakali sa tiyan ko? Kinikilig ba ako?
HOY MICO! Magtigil ka! Nagmu-move on ka na, 'di ba? Right. Erase. Erase.
"Ah, ganun po ba?" mahina kong tugon para itago ang kaba ko.
"Yup. Wait, try ko ulit tawagan," alok niya, akmang idadial uli ang numero.
"Ay, Miss, 'wag na," mabilis kong pigil sa kanya. "Baka nakauwi na rin po 'yun. Ahm... thank you po sa pagpapatuloy sa'kin dito. Kaya ko na pong umuwing mag-isa." Kahit ang totoo, wala talaga akong makita without my eyeglasses on.
"Every student who doesn't feel well is welcome here in the infirmary. Teka, sure ka ba na kaya mo nang umuwing mag-isa?" paniniguro niya habang pinagmamasdan ako.
"Opo," matapang kong sagot.
Sinubukan kong maglakad. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang bumagsak ako dahil sa pagbunggo ko sa glass wall. Aray ko, tae.
"Oh my God. Are you okay? Nahihilo ka pa rin ba?" nag-aalalang tanong ng nurse habang inaalalayan akong tumayo.
"Errr... ang totoo po niyan, wala po akong makita. Sobrang blurred po ng vision ko kasi wala 'yung salamin ko," nahihiya kong pag-amin.
"Ganun ba? Teka, kokontakin ko—" akma niyang kukunin ulit ang phone.
"W-Wag na po," pakiusap ko. "Hindi naman po kami magkaibigan nun para maistorbo ko siya. Kaya 'wag niyo na po siyang tawagan, please."
"Uuhh... s-sige, kung 'yan ang gusto mo. Ganito na lang, ipapahatid na lang kita kay Manong Guard sa sakayan, okay ba 'yun?" pagsuko niya sa kakulitan ko.
"Salamat po," nakahinga nang maluwag na tugon ko.
BINABASA MO ANG
Locker 246
ComédieMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
