Fourteenth Chapter - Flashbacks

5K 199 10
                                    


******

Chapter 14

Author's Note: Through this chapter, I'll try to tell what are the things that happened during the time Mico's tutoring Tyrone.

Tyrone's P.O.V.

"Ano ba?!" Bahagya akong sumilip at nakita ko si Katarina at dun ko lang nalaman kung sino ang kausap nito, si Jet. Hawak-hawak siya nito sa braso. "Bitiwan mo nga--"

Naputol ang sinasabi ni Katarina nang bigla siya nitong halikan. Isa, dalawa, lima, umabot yata ng sampung segundo ang naging halikan nila. Kapwa nila hinahabol ang paghinga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Pero ako, parang hindi na ko humihinga. Sa wari ko'y nakalimutan ko na kung paano huminga dahil sa nasaksihan ko.

Bigla-bigla na lamang sinampal ni Katarina si Jet kasabay ng pagpatak ng luha nito.

"Ano ba talagang tingin mo sakin? One day you're telling me you don't feel anything for me and you're doing the opposite the next! Laruan ba ang tingin mo sakin, ha Jet?!! How dare you to---"

"I lied that day," huminga ito nang malalim, "when I told you that I don't feel the same way as you do. The truth is I really, really feel for you, I love you very much. And telling you those lies that day was the worst thing I ever did in my life. I made you cry, I made you hurt, all because of my cowardness. But now, I can't stand lying to you, to myself and to everyone else of how I really feel for you, anymore. So I already decided..."

"Tara na TJ, mas masasaktan ka lang kung maririnig mo pa yung magiging sagot ni Katarina." ang pagpigil sakin ni Leo sa pakikinig at panunuod sa dalawa. Pero hindi ako nagpapigil. Hindi ko maihakbang ang mga binti ko na para bang nakadikit na ang mga paa ko sa lupa.

"I'll take the risk to take the chance of loving you. I want to be happy with you. And I hope you want, too."

"TJ tara na!!"

"I love to." dinig kong sagot ni Katarina pagkatapos ay siya na mismo ang humalik sa pinsan ko. Pakiramdam ko'y parang isang salamin na bumagsak mula sa isang mataas na lugar yung puso ko. Ang sakit-sakit. Gusto kong magwala, gusto kong sirain lahat ng makikita ko.

"Tyrone!... Gising na!.... Uy!.... Tyrone!... Tanghali na nakahilata ka pa rin dyan!.." Huh? Bakit parang nadidinig ko boses ni Mico. Tsaka bat parang may yumuyugyog sakin?

"Gumising ka na uy!" Ayan na naman. San ba galing yung boses niya?

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakita ko si Mico na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Huh!" ang gulat kong sabi sabay hila sa kumot at kinumutan ang aking perfectly shaped upper body. Nakapajama lang kasi akong natulog. "Bakit ka nandito?"

"Hala sya oh! Diba ngayon ka mamimili ng materials para sa projects mo?" sabi niya tapos nameywang pa.

Oo nga pala. Woo. Napanaginipan ko na naman pala yun. Bakit ba ang hirap kalimutan nung mga pangyayaring yun? Nakakainis lang.

"Oh eh ang aga aga pa eh. Pwede naman mamaya. Tsaka bat ikaw ang gumigising sakin? Husay mo ring mambulabog eh no." aniko na nanatiling nakahiga at tinatakluban ang katawan ng kumot.

"Pinakiusapan kasi ako ng daddy mo na gisingin ka," mabilis niyang tinignan ang relos niya at binalik rin sa akin agad, "at maaga ka dyan? 1:47 na kaya. Bumangon ka na kasi."

"Oo na." ang pagsurrender ko. Wala rin akong magagawa sa kakulitan ng isang to, e.

"Oh eh bakit hindi ka pa tumatayo dyan?"

"Paano ko naman gagawin yun eh nakabantay ka dyan. Pwedeng lumabas ka muna?" eh nakapajama lang kaya ko. Tapos syempre kkagising ko lang kaya medyo buhay si "Tyrone Jr."

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon