Here's chapter 15. Sana magustuhan ninyo!
~~~~~~~~~
------------------LOCKER246-------------------
Mico Padua's P.o.V.
Kapag inimbita ka ng taong crush na crush/mahal mo na pumunta sa birthday niya, diba dapat ang sagot mo 'Oo' o kaya 'Sure na may kasamang hart hart'?
Gustung-gusto ko talagang sumama. Chance na yun, eh. Ang tagal ko kayang hiniling na makasama siya sa birthday niya. Pero....sina mama at Mikay. Hindi ko kayang iwan sila.
Pero ano pa bang inaalala ko? Alam ko naman na magiging masaya siya sa kaarawan niya bukas kahit wala ako dun. Yan ang katotohanan, at kahit gaano pa tayo masaktan ng katotohanan, wala tayong ibang option kundi ang tanggapin nalang ito. Yan ang batas ng kalawakan na dapat sundin nang lahat.
Okay, humuhugot na ko.
Wellll... Nandito ako ngayon sa may convenience store sa tapat lang ng main gate ng subdivision nila Tyrone. Plano ko kasing ibigay ngayon yung gift ko para sa kanya since hindi nga ako makakasama. Hindi naman to mamahalin, pero sana magustuhan niya. Binuhos ko ang puso ko sa paggawa nito at ito rin ang dahilan kung bakit palagi akong puyat nitong nakaraang mga araw.
So..chinat ko siya kagabi and ito yung naging convo namin..
Me: Psst
Seen. Oo, sineen niya lang. Seenlord talaga yan, eh. Ganun ba kahirap magtype ng 'bakit?' o kahit '?' man lang? Pero hindi ako sumusuko agad kaya chinat ko uli siya. Akala niya, huh.
Me: Busy ka ba bukas?
Seen. As expected.
Me: Pwede ba tayong magkita bukas??
Seen. Sandaling nag-appear yung typing na icon pero nawala din. Pssh.
Me: Please???
Seen. Hindi parin siya nagreply. Ang saya diba? Pero saktong pagclose ko ng chat box ay ang muling pag-pop up nito.
Tyrone Pogi: baket
'Baket' ... Isang salita lang yan pero tamang-tama na para pabilisin ang tibok ng tanga kong puso.
Mga ten seconds ko tinitigan yung reply niya bago ako nakakilos. Hindi ako makaisip ng irereply ko kasi kapag sinabi kong may ibibigay ako sa kanya, obvious na regalo yun para sa birthday niya bukas kaya wala nang surprise epek. Kapag sinabi ko naman na basta baka iseen na naman niya ko. Kaya naman nagreply ako gamit ang pinakawalang kwentang ideya sa mundo.
M: Yung mga ballpen ko isoli mo na. Wala na kong magamit.
Typing.... Sana kumagat siya, Lord.
T: gusto mong makipagkita dahil lang sa ballpen? wala ka bang pambili ng bago? dukha ka talga
Hindi ko nalang namalayan na nakangiti na ako habang binabasa yung reply niya. Naiimagine ko kasi yung facial expression niya habang nagtatype, eh. Sigurado akong soot niya na naman yung walang kamatayang simangot niya.
M: Oo dukha, mahirap at hampaslupa ako kaya isoli mo na lahat ng ballpen ko! Ang yaman yaman niyo tapos ballpen lang di ka pa makabili!
T: busy ako. sa susunod na lang!!!!!
M: Hindi pwede!!!
T: baket hindi pwede!!!!!!
M: Magsusulat ako kaya kailangan ko na yan! Walo yan ha! 4 na black 4 na blue!
T: 2 lang nasa bag ko. papalitan ko na lang. pwede naman kasing bumili na lang siya. kung ipambili mo nalang kaya yung pamasahe mo. ang tanga mo rin no
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...