*****Chapter 11
Mico's P.O.V.
"Thank you." ani Luis pagkatapos siyang abutan ng isang tasa ng kape ng kapatid kong si Mikay.
"You're welcome po." sagot naman ng kapatid ko. With matching pacute nga eh. Talande din talaga itong isang to eh.
Kanina pa kami nakarating dito sa bahay at hanggang ngayon, umuulan pa rin. Nakapagbanlaw na kami ni Luis. Pinahiram ko siya ng malaki kong t-shirt at pajama. Yung pajama parang naging tokong. Ang tangkad niya kasi eh. Haha.
Inimbitahan rin siya ni mama na habang pinapahupa ang ulan at baha ay dito na muna siya sa amin. Hindi na rin siya nakatanggi kasi sa lagay ng panahon, mahihirapan lang siyang makauwi sa kanila nang buhay. Yup. Life-threatening talaga yung bagyo.
Mabuti na lamang at may stock kami ng pagkain sa ref. Nag-saing ako at naglaga ng butu-buto ng baboy para naman mainitan ang aming mga sikmura.
"Wow. You really impress me, Mico. You're not just smart, you're also talented." ani Jet habang papaupo sa harap ng dining table.
"You're right in what you said, Kuya Luis. Kuya Mico's cooking was very amazing. He's top 1 in his class since he's grade one. Tsaka valedictorian siya when he graduated in high school. He's also great in cleaning. He cleans the house everyday. He does the laundry, he goes to the market to buy our needs. He has a part-time job also. Amazing, right?" ang gatong naman ng kapatid ko. Pasimple ko siyang siniko, magkatabi kasi kami, at binulungan..
"Anong ginagawa mo?"
"Obvious ba, kuya? Edi binibuild-up kita para naman magkaboyfriend ka na. Tsaka ngayon ka lang kaya nagdala ng kaibigan mo dito. AT gwapo pa. Swerte mo dyan, 'ya." Pinandilatan ko lang siya at sa tingin ko naman ay nagets niya na ang gusto kong iparating.
"Let's eat!" ang pagbaling ko kina mama at Luis habang nakangiti. Nakatingin rin sa akin si Luis at nakangiti. Kaya para hindi ako tuluyang mailang, inabot ko nalang sa kanya yung bandehado ng kanin. Grabe, hindi pa man ako humihigop ng sabaw pinagpapawisan na ko dahil dito sa kapatid ko.
So yun, todo puri si Luis sa niluto ko nang matikman niya at habang kumakain kami ay kinakausap ito ni mama tungkol sa buhay nito at sinasagot naman niya lahat ng mga tanong ni mama. Kapag hindi nakatingin si Luis ay pasimple akong bibigyan ni mama ng makahulugang mga ngiti.
'Pati ba naman si mama? Haaaaay'
Haynako. Sabi ko na nga ba, eh. Iniisip siguro nila na may gusto ako kay Luis. Oo, gwapo nga siya pero committed na kasi yung tao at yun ang hindi pa nila alam kaya para matigil na sila..
"What's your girlfriend's name again?" ang tanong ko kay Luis. Halatang nagulat naman si mama at Mikay sa tanong ko.
"You have a girlfriend, kuya?" segunda ni Mikay.
"Uhh...yeah. She's in London and her name's Toni." sagot ni Jet habang ngumunguya.
"Aay.." ang disappointed na wika ni Mikay. Ayan kasi. Tinapakan ko na lang yung paa niya para sabihin na itikom niya na ang bibig niya.
"Uhm..narinig niyo, Ma?" ang pasimple kong sabi kay mama.
Nagpatuloy ang maagang hapunan namin at talagang hindi nila tinantanan si Luis. Parang naaawa na nga ako sa kanya, eh. Kaya nung matapos ang hapunan namin ay umakyat na kami agad ni Luis sa kwarto ko. Oops, huwag mag-isip nang masama. Oo, dito kami parehong matutulog pero ako sa lapag, siya naman sa kama. Ok?
"I'm sorry." sabi ko sa kanya habang inaayos sa kama yung mga bagong unan at comforter. Siya naman ay nakatayo lang sa gilid ko.
"For what?" aniya.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...