Chapter 4
Mico's P.O.V.
Kinabukasan, usap-usapan pa rin sa school ang insidenteng 'yun sa canteen. Lahat ng makakasalubong ko ay nagbibitaw ng masasakit na salita. Pati pagpasok ko sa room, lahat sila natahimik—except for the guys—at pinagtinginan ako.
Ano bang ginawa ko sa kanila? Pero hindi na nakapagtataka. Noon pa man, kahit wala naman akong ginagawang mali, parati na nila akong hinuhusgahan at tinatrato nang ganito. Wala silang katulad.
Pansamantala kong itinigil ang pagre-review ko dahil naiihi na ako. May quiz kasi kami ngayon. Pagpasok ko sa CR, walang tao kaya sa wall urinal na lang ako umihi. Habang umiihi ako, nakapikit akong nagme-memorize ng mga terms na baka makasama sa quiz. Habang nag-e-enumerate, naramdaman kong may tao sa katabi kong urinal, pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagre-review.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw.
"WAAAAA!!!"
Idinilat ko ang aking mga mata para tingnan siya at hindi ko inaasahan na si Tyrone ang makikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para ibaba ang tingin ko sa... ano... niya. Ang laki kahit hindi pa man buhay ng... ano niya. Napalunok na lang ako, at siya naman ay mabilis na tumalikod habang nagsasalita.
"HANGGANG DITO BA NAMAN, HUH?!" bulyaw niya bago humarap sa akin, nangangamatis sa pula ang mukha. Pakiramdam ko ganun din ang akin. Nakatingin siya sa akin nang masama, but I just gave him a blank stare and acted as if I didn't see a huge—nevermind.
"Hanggang kailan mo ba ako balak sundan, ha? Alam mo, kapag 'di ako nakapagtimpi, uupakan na kita. T-ngina. Pati ba naman sa banyo? Ano bang gusto mo ha? 'Yung ano ko? Oh nakita mo na, kaya tigilan mo na ako kung mahal mo pa ang buhay mo. Mas mabuti kung susunod ka na habang sinasabi ko pa sayo 'to nang maayos. Dahil kapag 'di talaga ko nakapagtimpi—"
Tinapos ko na ang pag-ihi ko at hinarap siya. I've heard enough. Masyado nang masakit ang mga salitang binibitawan niya.
"Look... Ako ang naunang umihi dito," I sighed before continuing. "Kahapon sa canteen, ako ang nauna sa line ng bilihan. 'Yung sa ospital? Pauwi na ako nang dumating ka. 'Yung sa library? I told you, and you saw it with your own two eyes, all the seats were occupied except for the one beside you."
I tried hard to remain calm and show no expression, when the truth was I was hurting. A lot.
"I don't know what made you think I'm following you, pero just a friendly advice: 'wag kang ganyan, Tyrone. Masyado kang gwapong-gwapo sa sarili mo na feeling mo lahat tungkol sayo. Feeling mo lahat nagkakagusto sayo! Oo, ganito ako, bakla, pero mas pipiliin ko pang makipag-date sa bato kaysa sa tulad mo. Now, if you're gonna keep insisting that I'm stalking you, you wouldn't want me to spread a more shocking news than that now, would you?"
"Anong pinagsasabi mo?"
I took a step closer to him. And another step, until our bodies were inches apart. I could feel my heart pounding in my chest, beating so loud and fast. His scent made me want to hug him tight, but I needed to control myself. I was thinking of a plan on how to divert the stalking rumors from people's minds. I hoped this would work. I smiled at him and spoke.
"I'll tell them how small that thing in your pants is," okay, it was a lie. It was part of my plan to annoy him. "That I've seen it, and mine's much bigger than yours."
Much bigger? Who am I kidding? Good luck.
Ang akala ko talaga lalayo siya, pero ngumiti siya nang sarkastiko at siya naman ang humakbang palapit sa akin. Ako naman ay humahakbang paatras kada hakbang niya. Parang bumaliktad ang sitwasyon namin kanina.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
