Chapter 22
Mico's P.O.V.
Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa nangyari sa Basketball class namin kahapon. Hindi ko na lang sila pinapansin. Ika nga ng isang gasgas na gasgas nang quotation, time is gold.
And indeed, sobrang halaga ng bawat oras ko. Kaya naman hindi ko dapat sayangin ang kahit isang segundo ko sa pagpatol sa kanila.
Muli namang naging abala ang mga hallway nang mag-ring ang bell sa buong university, hudyat na tapos na ang current period. Paglabas ko ng room ay nakita ko agad si Luis. Binabati siya ng mga kaklase kong babae, at dahil likas na kay Luis ang pagiging friendly, bumabati rin siya pabalik sa mga ito. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.
"I have good news," excited niyang balita.
"What is it?" usisa ko.
"Results are out. I just got accepted into the university basketball team," pagmamalaki niya. Oo nga pala, nag-try out siya last week lang.
"Wow!" mangha kong sabi, may takip-bibig effect pa. "Congratulations!!"
"Thank you," nakangiti niyang sagot, sabay kuha mula sa akin nung dalawang librong buhat ko para siya na ang magdala. "This calls for a celebration. Where do you want to go?"
"Me? Why me? It's you who should decide since you're the one who should be rewarded," katwiran ko.
"Are you sure about that? Because there's just one thing I really like to do," pilyo niyang tanong.
"And that is?"
"To have a date with you," walang pakundangan niyang sagot.
Naramdaman ko na naman 'yung weird na feeling na parang may mga insektong 'di mapakali sa loob ng tiyan ko.
"D-Date?" utal kong ulit.
"Yeah," aniya habang tumatango. "You know, a not-so-friendly date." Naramdaman kong unti-unti nang umiinit 'yung mga pisngi ko.
Grabe, unang beses na may nagyaya sa akin ng date, and I never thought na mangyayari 'yung ganito.
"Well, it's okay if you don't want-" pagbawi sana niya, pero hindi ko na siya pinatapos.
"I would love to," I answered with a smile.
~~~~
Sunday. 5:00 PM.
Ngayong gabi 'yung "date" namin ni Luis. Nakabihis na ako at naghihintay na lang nang may marinig akong bumusina sa tapat ng bahay. Agad akong lumabas at nakita kong bumaba sa dilaw na kotse ang isang napakagwapong lalaki na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
