Fifth Chapter - The Private Tutor

4.8K 201 6
                                        

Chapter 5


Mico's P.O.V.

Nag-resign na ako sa trabaho ko sa mall. Nitong mga nakaraang araw kasi, parang nagkakaroon na ako ng problema sa time management dahil dun. Gusto ko pa rin namang magtrabaho at kumita ng pera, pero sana 'yung okay sa schedule ko at hindi stressful.

At next week nga ay start na ng bago kong trabaho bilang private tutor ng anak ng isang mag-asawang negosyante. Okay na 'yun kasi tuwing weekends lang at dalawang oras lang kada araw. At ang sweldo? Tumataginting na 5,000 pesos kada linggo!

Ang totoo niyan, pagiging student assistant ang in-apply-an ko sa university kaso puno na raw ang slots dahil kalagitnaan na ng semester. Mabuti na lang at 'yung prof ko ang nag-offer sa akin ng trabahong ito. Tinanggap ko na kasi bukod sa fact na convenient siya para sa akin, gusto ko ring magturo ng bata. Tsaka malaking opportunity na rin yun para sa akin kasi kahit hindi naman ako teacher at meron namang mga professional na pwedeng i-hire, nagtiwala pa rin sila sa kakayahan ko.

Habang nag-i-sketch sa library, naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

"Hi, babe! Have you eaten lunch?" ang napaka-energetic na bati ng nasa kabilang linya.

"Hindi pa. Nasa library ako ngayon," mahinang sagot ko.

"Great. Let's eat together then. I'll fetch you there. Okay, babe?"

"Huy! 'Di ba sabi ko 'wag mo akong tatawagin nang ganyan? Ang kulit mo talaga, Jet." Pero sa totoo lang, kinikilig ako kapag tinatawag niya akong ganun. Feeling ko isa talaga akong magandang babae. Woot! Feelingero spotted!

"Oops, sorry. I forgot, ba—Mico. Okay, I'll hang up now. Punta 'ko dyan now na."

Pagkababang-pagkababa pa lang ng phone ay may kumalabit na sa likod ko. Paglingon ko, ang nakangiti at gwapong mukha ni Jet ang bumungad sa akin.

Ganito na ang naging setup namin mula nung araw na sinabi niya saking sa tingin niya ay nagkakagusto na siya sakin. Mag-iisang linggo na rin 'yun. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala nung mga sandaling 'yun. Pakiramdam ko parang may pumipigil sakin na maniwala. At kung anuman ang bagay na 'yun, hindi ko ma-identify.

Hindi ko rin naiwasang tanungin siya kung isa rin ba siyang bading, pero isang malakas at malaking 'NO' ang sagot niya. Pero sinabi niya na if that's what it takes to like me, he wouldn't regret a single thing. Because, as he told me that time...

"You're worth it."

Hindi ko alam ang ire-react ko nung mga sandaling 'yun, pero parang may sariling utak ang katawan ko at niyakap ko siya. Yumakap din siya sa akin. At habang magkayakap kami, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na ako magpapaka-hipokrito—sobrang bumilis talaga ang pagtibok ng puso ko to the point na akala ko hihimatayin na 'ko.

Posible kaya na gusto ko na rin siya? Pero paano si Tyrone? Hindi ko na ba siya mahal? Ewan ko. Basta ang alam ko nang mga oras na 'yun, Jet had a special place in my heart.

Tyrone, too.

Dahil nabanggit ko na rin lang si Tyrone, hindi ko na siya nakita mula nung araw na nagkagulo kami sa canteen. Nakokonsensya tuloy ako sa mga binitawan kong masasakit na salita sa kanya. Medyo nawala na ang issue na ini-stalk ko siya. Medyo umayos na rin ang pakikitungo sa akin ng ibang estudyante sa school. What I mean is, some went back to ignoring me.

(Fast forward to Mico's first day of work)

Wow.

Ang laki naman at ang ganda ng bahay na 'to. Dito ba talaga nakatira ang tu-tutor-an ko? Ganito sila kayaman?

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon