Iniwan mo siya. Tapos kung kailan masaya na siya sa piling ng iba, tsaka mo sasabihing mahal mo siya? Very wrong.
Chapter 31
Mico's POV
Wait... ano daw? Sister?
"Magkapatid kayo?" hindi makapaniwala kong tanong kay Georgina.
"Unfortunately," sagot niya sabay irap sa lalaki. "Lagot ka kina baba, hindi ka umuwi last weekend!" bulyaw niya sa kapatid niya.
"So what? Busy naman sila 'di ba? Busy din ako. Tara na nga," pag-aya nito sa akin.
Ano ba 'to, bipolar? Kaninang nasa BH kami hindi ako pinapansin tapos ngayong nandito kami sa university feeling close. Napansin ko naman 'yung pagbabago ng expression ni Tyrone nang makita si Gab. Nagselos kaya siya? Psh. Asa pa ako.
"Paano kayo nagkakilala Mico?" baling sa'kin ni Georgina.
"Lumipa—" Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko dahil sumingit si siraulong Gab.
"Member siya ng fans club ko," walang kagatol-gatol nitong sabi.
"Fans club?!" sabay naming tanong ni Georgina. Nakatingala pa 'ko niyan kay Gab dahil mas matangkad siya sa'kin.
Tiningnan lang ako nito na parang sinasabing 'Umoo ka na lang'. Ewan ko pero, may kung ano sa mga mata niya na naka-convince sa'kin.
"Ah... oo nga pala. Oo, member ako ng fans club niya," pagsakay ko sa trip niya. Ewan ko lang kung convincing 'yung acting ko. Hindi naman kasi ako magaling magsinungaling, eh. Kung meron mang magaling magsinungaling at magpaniwala ng tao dito, wala nang tatalo pa kay Tyrone. 😢
"At kailan ka pa nagkaroon ng fans club, aber? Tsaka kung meron nga, no offense Mico ha, meron palang baliw na sasali sa fans club mo," mataray na puna ni Georgina.
"Mahabang kwento. Baka ma-late na kami kung ikekwento ko pa sa'yo kaya baboo," paalam ni Gab. Para akong papel na inikot ni Gab at nagpatianod sa akbay nito at sabay kaming naglakad palayo sa dalawa.
"Hoy lalake! May pera ka pa ba? Kung wala umuwi ka na!!" dinig kong sigaw ni Georgina. Nilingon ko naman si Gab pero parang wala lang siyang narinig.
Nilingon ko pa ulit si Tyrone only to find out that he's already looking at me. Agad naman siyang tumingin sa ibang direksyon.
Tinanggal ko na 'yung pagkakaakbay ni Gab sa'kin at sinimulang akyatin 'yung Department of Architecture Building pero nagtataka ako dahil nakasunod pa rin siya sa'kin. Dito din ba siya sa College na 'to?
"Anong course mo? / Paano mo nakilala si Ate?" nagkasabay naming tanong sa isa't isa.
"Mauna ka na. / Sige, ikaw muna," nagkasabay na naman kami.
"Sige na, ikaw na," nakangiting sambit nito. Napalunok na naman ako sa 'di ko alam na dahilan.
"A-Anong course mo?" tanong ko.
"Tourism," mabilis nitong sagot.
"Bakit ka umaakyat dito eh Arki Department 'to?" takang tanong ko. Salitan 'yung tingin ko sa kanya tapos sa mga baitang ng hagdan.
"Bakit, masama ba?" sagot niya.
"Wala ka bang klase?" usisa ko.
"Hindi ako papasok," kaswal niyang sagot.
"Bak—"
"Hep hep. Masyado nang marami 'yun. Ako naman magtatanong. Paano kayo nagkakilala ng ate ko?" awat niya. Psh.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
