***********Chapter 12
Mico's P.O.V
Nabigla ako nang biglang tumayo si Tyrone tapos sinundan siya ng bestfriend niyang si Leo. Tatalikod na sana ko nang may mapansin akong bagay na nasa table nila.
Agad ko itong dinampot at naglakad papunta sa parehong direksyon na pinuntahan nila. Ang akala ko ay hindi ko na sila maaabutan, eh. Pero nakita ko sila dun sa dulo ng hallway na may likuan. Pero bakit parang nagtatago sila dun? At tsaka may tinitingnan si Tyrone dun na hindi ko alam kung ano. Nagpatuloy akong maglakad palapit sa kanilang dalawa.
"Tyrone yung susi ng kotse mo naiwan mo---Teka, ano bang ginagawa ninyo diyan?" Napalingon sakin si Leo at sinenyasan ako nito na huwag maingay pero si Tyrone hindi dahil meron nga siyang sinisilip. At ewan ko kung anong nagtulak sa sarili ko na tingnan kung anuman ang sinisilip niya.
"Sino bang sinisilip ninyo diyan?" aniko habang naglalakad paliko at napahinto ako nang makita ko si Jet at.....si Katarina.
"I love to." dinig kong sabi ni Katarina at nanlaki ang mga mata ko nang halikan nito si Jet sa mga labi nito. Hindi agad ako nakakilos na para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.
Tinugon ni Jet ang halik na yun. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang pinapanood ko sila pero isa lang ang alam ko, hindi iyon maganda.
Tiningnan ko si Tyrone, tagis-bagang siyang nakatingin sa dalawa at nakakuyom ang mga kamao. Ang dilim ng ekspresyon sa mukha niya. Tumalikod siya at naglakad pabalik sa loob. Sumunod sa kanya si Leo. Nakatingin lang ako sa likod ni Tyrone habang unti-unti siyang naglalakad palayo.
Yung expression niyang yun...bakit ganun ang tingin niya sa kanila? Halatang galit siya. Pero bakit? Does he like....that girl?
Parang may gumuho sa loob ko. Nanghina bigla ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa pader para hindi tuluyang matumba.
"I love you so much." dinig kong sabi ni Katarina dahilan para bumalik sa kanila ni Jet ang tingin ko.
"I love you, too." ang sagot ni Jet habang kumikislap ang mga mata niya.
Naalala ko yung araw na sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Ngayon alam ko na na hindi totoo ang mga sinabi niyang yun. Pinaasa niya lang ako. At ako naman itong si tanga, umasa. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Oo nasasaktan ako, pero bakit parang hindi dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon? Parang mas nasasaktan ako sa nakita kong expression kanina sa mukha ni Tyrone.
Agad akong bumalik sa loob para hanapin si Tyrone pero hindi ko siya makita sa pool area kaya nagbakasakali akong pumunta sa may restroom at dun sa labas ng men's c.r., nakita kong nakatayo si Leo. Naglakad ako palapit sa kanya. Napatingin siya sa akin. May narinig akong malalakas na sigaw ng lalaki sa loob ng c.r. at alam kong si Tyrone yun. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng suot kong waiter's uniform.
"Ano..barado yung c.r. sa labas ka na lang." ang sabi nito sa akin.
"N-Nasa loob ba si Tyrone?"
"Ha? Ah..eh..bakit, sino ka ba? Ikaw yung kanina diba? Kaibigan ka ba niya?"
Umiling ako.
"Hindi niya ako kaibigan. May ibibigay lang ako sa kanya." patuloy ang mga sigaw sa loob ng c.r. Parang gusto kong umiyak. Ako na lang ang iiyak para sa kanya kung pwede lang. Huwag lang siya..
"Ako nalang magbibigay sa kanya." Inilahad nito ang kanyang kamay at inilagay ko dito ang susi ng kotse ni Tyrone.
"O-Okay lang ba siya?"
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...