Twenty-eighth Chapter - Rule-breaker No More

5.6K 208 80
                                        

Chapter 28


Mico's POV

Naranasan mo na ba 'yung parang sasabog na 'yung puso mo dahil sa sobrang saya na nararamdaman mo? Ako, ngayon na lang ulit.

'Yung huling beses na naramdaman ko 'yung ganitong feeling ay nung mga panahong buhay pa si papa. Buong akala ko, hindi na mauulit pa 'yung ganito, 'yung sobrang saya ko. Pero, eto na siya. It has happened. It's real. And I couldn't wish for anything else.

'Yung lalaking ilang taon kong pinangarap, minahal nang patago, at ini-stalk—heto na, nasa tabi ko na, malayang napagmamasdan at nahahawakan.

"Hahahahaha." Ang sarap niyang pagmasdan tumawa. Sumisingkit 'yung mga mata niya at lumilitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. This is one of those things which they call picture-perfect.

Dumampot siya ng popcorn at unti-unting lumingon sa'kin habang nginunguya ito. He's munching it with a smile on his face. Nilipat ko agad sa sobrang laking screen 'yung tingin ko bago niya pa 'ko mahuling nakatitig sa kanya.

Dahil nga may event ang college namin at siya naman ay wala nang klase or bb practice, nagpasya kaming manood ng sine sa pinakamalapit na mall. 'Date' daw namin 'to, sabi niya. Siyempre, halos manginig naman ako sa kilig nung sabihin niya 'yun.

Ilang beses ko nang napanaginipan 'yung ganito. Pero ngayon, totoong-totoo nang nangyayari ang lahat.

"Nag-eenjoy ka ba?" tanong niya kaya nilingon ko naman siya.

Tumango ako at ngumiti. Nagtama 'yung mga paningin namin. Grabe lang siya makatitig. Para niya 'kong tutunawin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya habang nakangiti rin.

"Ba't ang cute mo?" mabilis niya namang sagot.

"Hindi naman, eh," sagot ko at nag-pout.

Nabigla naman ako nang mabilis niya akong halikan sa labi. Napalingon ako sa mga taong nasa likod namin.

"B-Bakit mo 'yun ginawa?" gulat kong tanong.

"Natempt ako nung ngumuso ka, eh," katwiran niya.

"Nakakahiya, baka makita ng ibang tao." Kahit madilim ay nakita kong nagbago 'yung expression ng mukha niya. Hala, nagalit yata.

"Kinakahiya mo 'ko? Fine." Umayos na siya ng upo at nag-focus na ulit sa big screen.

"Hindi, hindi. Sorry na. 'Wag ka nang magalit, please," sinubukan ko siyang kausapin pero hindi niya 'ko pinapansin.

Ilang beses kong sinubukan 'yun pero wala talaga. Galit talaga siya. Kakasimula pa lang ng relasyon namin, meron na agad ganitong nangyayari. Nalulungkot tuloy ako. Tahimik na lang siya ngayon, ni hindi na rin tumatawa. Kasalanan ko talaga 'to, eh. Ano bang dapat kong gawin para pansinin niya na ako ulit?

First time sa'kin lahat ng 'to kaya wala talaga akong kaide-idea sa mga ganitong bagay. Nag-iisip ako ng pwede kong gawin nang bigla siyang lumapit sa'kin at bumulong.

"Kung gusto mong hindi na 'ko magalit, i-kiss mo 'ko ngayon. Sa lips." Nilingon ko siya at dahil dun ay naging sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Ha?" 'yan na lang nasabi ko.

"Ayaw mo? Okay. Madali akong kausap," ang cold ng pagkakasabi niya niyan. Umayos na ulit siya ng upo at binalik na sa screen 'yung tingin.

Omygulay. Gusto niyang halikan ko siya ngayon? Gustung-gusto ko pero marami kasing tao, eh. Hindi naman sa kinahihiya ko siya. Ayoko lang na may masabing masasakit na salita 'yung mga tao sa kanya. Iniiwas ko lang siya sa mga ganung bagay dahil alam ko kung gaano kasakit magsalita ang mga tao sa'ming mga member ng third sex. Ayokong pati sa kanya mangyari 'yun.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon