Twenty-fourth Chapter - It starts...

4.9K 214 43
                                    

Salamat sa mga mensahe niyo! Na-encouraged talaga ako! Kaya naman kahit busy palagi at puyat eh gumawa ako ng paraan para makapag-update! ^___^

OWEM! Is it really 10k reads I am seeing?! Wow, you guys are amazing!

Maraming salamat talaga! Ü

This chapter's dedicated to @iamjaelopez ! He made the buk kober. Ganda daba? Salamat muaaaps!

~~

-----------------LOCKER246 -----------------

Chapter 24

Mico's PoV

Pinakamasakit na parte daw sa pagtakbo palayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay yung katotohanang hinding hindi ka niya hahabulin.

Tama nga sila.

Dahil kahit gaano pa kalayo ang takbuhin ko, sa dulo, balewala lang yun sa kanya, ako lang yung napagod. At kalakip ng pagod na yun ang realisasyon na pangalan niya pa rin ang maririnig sa bawat pagpintig puso ko.

Pilit kong sinasabi na kakalimutan ko na siya pero sino bang niloloko ko?

How am I supposed to forget someone who has already become my life?

Forgetting him and this feelings is like forgetting how to breathe, simply impossible.

Naiinis ako. Sa kanya, sa sarili ko, sa pintong to, sa lahat! Inis na inis ako sa lahat!

At habang nakatingin ako sa kanya ngayon, hindi ko mapigilan na mapaiyak.

Bakit kailangan pa namin makulong dito? At bakit siya pa ang dapat na kasama ko?

Hindi pa ba sapat yung mga sakit na naramdaman ko noon at kailangan pa talagang ipagduldulan sakin ng tadhana na hinding hindi ako makakamove on sa kanya?

OO NA! SIGE NA!! TALO NA NAMAN AKO!!

"Ang sama-sama mo.." nasabi ko na lang habang nakatingin ako sa kanya. I didn't mean it for him, para sa tadhana yan na kahit kailan ay hindi naging mabuti sakin.

He just stared down at me, showed no expression at all.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at nag-iba ng direksyon ng tingin. Hindi ko kayang tingnan siya at makita sa mga mata niya kung gaano siya kawalang pakealam sa akin. It's too painful to bare.

Natahimik ang buong kwarto. Ni tunog ng ihip ng hangin ay wala kang maririnig. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ko.

Naaninag ko mula sa gilid ng aking paningin ang paggalaw ng mga sapatos niya at kasunod nun ay ang tunog ng telang kumiskis sa sahig dulot ng pag-upo niya sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya, diretso lang yung tingin niya sa nakasarang maliit na bintana na nasa taas ng pader na katapat namin.

Wala sa amin ang nagsasalita. I was just busy staring at him and he's busy pretending he's not noticing my stare.

Tatayo na sana ko nang bigla siyang magsalita.

"Kelan mo ko umpisang nagustuhan?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana.

"Bakit mo tinatanong?" ang medyo natagalan kong pagsagot. Nakatingin ako sa pawisan niyang mukha nang dahil sa init.

"Hindi ko rin alam. Sumagot ka na lang." aniya sa isang ma-awtoridad na tinig. Wala akong nagawa kundi sagutin na lang ang tanong niya.

"July 24....." ngumiti ako sa kawalan, "..2008." hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy lang ako at nagumpisang magkwento.

*Flashback*

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon