Twentieth Chapter - Golden Stars

4.2K 199 12
                                    

This chapter's wholeheartedly dedicated to kennybels01. Salamat sa suporta sa Locker246. Hope you'll support this til the end. Lovelots :*

Pic is of Nick Jonas who plays the role of Luis McFall. Isn't he so hot? HOHO

Here ya go!!!!

****

-------------------LOCKER246-------------------

Mico's PoV

Mabilis na lumipas ang isang Linggo. Hindi pa kami nagkikita o nakakapag-usap uli ni Tyrone. He's really avoiding me. I guess it's his way of saying na kalimutan ko na siya.

If that's what he wants, wala na siguro akong magagawa kundi ang kalimutan siya. Hindi siya ganun kadali, lalo na't sa bawat segundo, bawat minuto na lumilipas, siya at siya lang ang naiisip ko. Pero sinusubukan ko. Para sa kanya at para na rin sa akin.

I always cared about him and got hurt. I was so busy loving him that I already forgot loving myself. So I guess, it's time to give myself the love I am deserving.

Nandito ako ngayon sa clinic para alamin yung results ng check up ko last week. Kinakabahan man, mas mabuti ng malaman kong mabubulag ako nang maaga para naman kahit papaano, aware ako kung hanggang kailan ko na lang makikita ang pamilya ko.

Handa na kong harapin ang katotohanan hindi dahil sa matapang ako, sadyang may mga bagay lang talaga na dapat nating tanggapin masaktan man tayo. Ang totoo niyan, takot na takot ako.

"Mr. Padua? Kayo na po yung next." paglapit sakin ng isang nurse. Nginitian ko lamang ito at pumasok na.

The same old man in his white lab gown sitting behind a wooden table gazed up to me and smiled. I smiled back.

"Please take a seat."

"Good morning po, doc."

"Good morning." he looked down into my paper results for a couple of seconds and let out a deep sigh before starting to talk.

"I'll be honest to you, Mico." he cleared his throat, at nagumpisa na akong kabahan. "You have an eye disease called glaucoma." Glaucoma? Parang narinig ko na siya dati pero hindi ko alam kung ano yun. Nakakabulag ba yun? "For your case, it's an open-angle glaucoma. Your optic nerves are slightly damage that's why you're experiencing vission loss and--"

"Wait po, doc." pagputol ko sa mga sinasabi niya. "Hindi ko po naiintidihan yung mga sinasabi niyo. Ang gusto ko lang naman pong malaman is kung mabubulag po ba ako o hindi."

"Well, you have to be thankful that it's just open-angle and not an angle-closure glaucoma which is more complicated. You see, Mico, there is this thing called intraocular pressure in our eyes na kapag tumaas ay nakakasama sa ating optic nerves na siyang dahilan kaya tayo nakakakita. Your optic nerves are already slightly damage because of the increase of this pressure. Pero we can lessen the pressure, bibigyan kita ng listahan ng mga gamot na dapat mong bilhin Mico." mabilis siyang nagsulat sa isang papel at binigay ito sakin. "Take note, these medicines will just lessen the increased pressure in your eyes."

"Does that mean, I'll not get totally cured kapag ginamit ko itong mga gamot na to?"

"Sad to say, but yes. Because the truth is, walang pang cure sa glaucoma, Mico. So you really have to be extra careful if you don't want to lose your vision."

"So ang ibig sabihin po doc, habang nabubuhay ako, iinumin ko lang po itong gamot na to?" Tumango siya. "So may chance pa rin po na mabulag ako?"

"There is, and I have to say na malaki ang chance na mangyari yun. So kung ayaw mong mabulag, you need to be more mindful of your eyes. You must stop using those eye drops, okay?"

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon