Chapter 5.2
"I'd very much prefer it if you lower your voice, young man," seryosong sabi ng tatay niya. Medyo natakot din yata si Tyrone kasi medyo kumalma ang mukha niya.
"Pumayag si Mom na ganito?" frustrated niyang tanong.
"Yes, TJ. But it's not just her. We both made this decision."
"Dad, 'wag niyo namang gawin sakin 'to. Don't you think I'm too old to be tutored? Dad, please naman."
"Yes, you're already nineteen, but you're acting like a spoiled, moody five-year-old."
"Pero, Dad..."
"I don't like this either. But Tyrone, you left us no choice."
"Dad, please. I promise, aayusin ko na 'yung pag-aaral ko. You don't have to do this anymore."
Para akong nanonood ng sine. Titingin ako kay Tyrone kapag siya ang magsasalita, tapos sa Daddy niya naman kapag ito na. At habang pinagmamasdan ko sila, tinatanong ko sa aking sarili kung paanong hindi ko napansin ang pagkakahawig ni Mr. Rivera kay Tyrone nang una ko siyang makita kani-kanina lang.
"You said the exact same words last semester."
"Dad, I promise totoo na 'to this time. Please. I beg you."
Matagal nagtitigan ang mag-ama, pero si Mr. Rivera ang nagputol nito.
"I'm sorry, TJ. Our decision is final. Mr. Mico Padua here will guide you with your studies."
"Dad naman. Nagmamakaawa na nga ako, oh!"
"Just do great, TJ."
"Palagi naman kayong ganyan, eh! Pambihira! Kayo na lang nang kayo ang nasusunod! Una, pinag-quit niyo ako sa basketball team. Tapos pinakuha niyo ako ng kursong hindi ko naman talaga gusto. Palagi na lang 'yung gusto niyo ang dapat masunod. DAD, BUHAY KO 'TO! Paano naman 'yung gusto ko?!"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Tyrone. Namumula na 'yung mga mata niya. Ganun ba talaga kasama ang loob niya dahil dito?
"Ayokong magpa-tutor, Dad. Hindi ako papayag. And that's final," ani Tyrone, sabay talikod at nagsimulang maglakad.
"And you think maiisahan mo ako? Then don't, if you don't want to. But you should bid goodbye to your car, your bike, and you'll get nothing from me," ani Mr. Rivera, na ikinahinto ni Tyrone.
"No. You can't do that."
"Of course I can."
Lumingon si Tyrone at nakita ko sa mukha niya na nasasaktan siya, pero pilit niyang itinatago 'yun.
"Then do it. Dun naman kayo magaling. Dun kayo masaya."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa kwarto niya. Ewan ko ba, parang bigla rin akong nalungkot. Nakatingin lang ako sa direksyong tinahak ni Tyrone nang magsalita si Mr. Rivera.
"I'm so sorry about that, Mr. Padua. Just don't mind him. You can start working now. Please bear with my son. Here's my calling card. Call me if anything gets out of hand, okay?"
"P-Pero Sir..."
"What is it?"
"Tingin ko po, mas maganda kung hahayaan na lang po natin si Tyrone—"
"I know my son well. Susundin niya kung anong gusto ko, naming mag-asawa. He may be like this right now, but eventually, he'll cool down and realize our purpose for doing this. Sige na, Mr. Padua. Puntahan mo na siya sa kwarto niya. Kailangan ko nang umalis. Good luck."
BINABASA MO ANG
Locker 246
UmorismoMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
