CHAPTER 23
Mico's PoV
Lunes na naman and I started hating Monday nang magsimula ang sem na 'to dahil sa Basketball class ko. Pero dahil ayokong bumagsak, pinipilit ko talaga 'yung sarili ko na pumasok sa klaseng 'to. At ngayon nga ay hinihintay namin ang varsity players dahil sila ulit ang magtuturo sa'min.
Naiinis ako dahil bukod sa ang tamad ng instructor namin magturo, makikita ko na naman 'yung taong gustung-gusto ko nang kalimutan at burahin sa buhay ko. How am I supposed to forget kung maya-maya lang ay nasa harap ko na naman siya at makakausap pa?
Ano bang problema ng tadhana at ganito ang ginagawa niya sa'kin? Napaka-unfair lang, ha.
Ilang minuto lang ay dumating na sila, at siya talaga ang unang-unang natagpuan ng mga mata ko. Ang aga-aga, naiinis ako.
"Oh, baka may himatayin na naman, ha?" paalala ni instructor, na ikinatawa ng mga kaklase ko habang nakatingin sa'kin.
"'Wag kasing tatanga-tanga," segunda pa ng kaklase kong babae na naka-full make-up pa. Grabe, anong akala niya, beauty contest ang gagawin namin?
"Ikaw kaya 'yung mukhang tanga diyan sa make-up mo," ganti ko. Nainis naman siya sa sinabi ko at aktong susugurin na ako nang pigilin siya ng instructor namin. Nagtawanan din 'yung mga kaklase ko sa sinabi ko.
"Tama na 'yan. Sige na, pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong partner! One.. two.." inirapan niya na lang ako.
Ewan ko ba, dahil na rin siguro sa inis kaya nasabi ko 'yun. Oh well, I believe she deserved that.
Nagulat ako dahil lumapit sa'kin si Luis at hindi ko in-expect na nandito rin siya. Hindi ko siya napansin kanina.
"Hey! Morning," bati niya sa'kin. And just like that, naglahong parang bula 'yung inis ko.
"Oh, hi! I didn't notice you're also here," bati ko rin sa kanya at ngumiti.
"You really wouldn't notice me coz you're too busy looking at him," ngumiti siya pero alam kong peke 'yun.
Hindi naman ako makasagot. Napakamot lang ako sa ulo. Tinapik niya naman ako sa balikat.
"Well, that's okay. I understand. You've been doing it for too many years, I can't expect you to get over it in just a week," aniya at ngumiti. This time, totoo na 'yung ngiti niya kaya ngumiti na lang rin ako.
"I heard he's your partner." Kinuha niya 'yung hawak kong bola.
"Ahh... yeah," nag-aalangang sagot ko.
"You know, I can go and ask coach if I can be your partner," prisinta niya.
"Really? You can do that?" mangha kong tanong.
"Yeah, but I'm not just sure if he'd allow it. Wait, I'll try." Iniwan niya 'ko para lumapit saglit kay instructor na tamad magturo. Nag-usap sila at ilang saglit pa ay bumalik si Luis at mukhang hindi pumayag si instructor dahil sa hitsura niya ngayon habang naglalakad palapit sa'kin.
"Guess he said no?" usisa ko. Tumango lang siya sa tanong ko. "It's okay. I just have to bear with it for an hour and a half. Go to your partner na. I'll be fine," pagpapalakas-loob ko. Nagpalitan lang kami ng ngiti at lumapit na sa kanya-kanya naming partner.
Nasa gitna siya ng court at nagpapractice mag-shoot. Hindi niya pansin na nakalapit na ako sa kanya kasi nakatalikod siya sa'kin.
"Hoy," tawag ko. Napalingon siya sa'kin at mababakasan ang gulat sa tinawag ko sa kanya.
Ako rin nagulat sa sarili ko. Pero siguro okay na rin 'to. Baka sakaling makuha ko 'yung tagumpay na makalimutan siya kapag pinilit kong magalit sa kanya. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Locker 246
UmorismoMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
