Twenty-fifth Chapter - Actions say it all

5.1K 228 70
                                    

I reallllly want to go on your profiles 1 by 1 to post my gratitude in there, but I barely have time. Mabuti at nasisingit ko pa rin itong pag-susulat sa busy kong sched.

Salamat sa lahat ng nagvovote, sa mga new readers (courtesy of @iamjaelopez) and of course yung sa simula umpisa palang nanjan na hehe, sa encouraging comments and messages, at sa mga nagfollow sakin. Huehue. Also to those who added Locker 246 in their reading lists. Appreciate them all. <3

Locker246 reached 40 on What's Hot under Humor category the other day, and it's all because of you guyssss! I love you all! <3 Parang napressure tuloy ako bigla guys lol

And I really am so sorry for keeping you all waiting. Pls bare with me :-)

So eto na. I know how it exactly feels like kpag ang haba ng author's note.

Our Tyrone on the media board aboveeee! <3

Chapter dedicated to @kench21 for the most encouraging message evah! <3
~~

--------------LOCKER246 --------------


Chapter 25

Tyrone's POV

What a very good morning! :-)

Bumaba na ko ng kwarto ko para kumain bago pumasok sa university. Nagpahain kasi si mommy dahil 'may sakit' daw ang unico hijo niya. She was referring to my arm na napilayan. And that's also the reason kung bakit hindi ako nakapasok ngayong umaga. I need bed rest daw. Ewan ko ba dyan kay mommy. Bigla na lang naging O.A. Para simpleng pilay lang nagkakaganyan na. Sobra nga kong sinermunan niyan kagabi eh, I mean hanggang ngayon parin pala.

"I knew it! Mali talaga na pinayagan ka ng daddy mo na bumalik sa paglalaro ng basketball! Tingnan mo ang nangyari sayo!" Ewan ko ba, it's weird kasi himbis na mainis ako, natutuwa pa ko kasi kitang kita kong worried na worried siya para sakin. It's something that I've never felt before.

"Mom, pilay lang to. Don't worry yourself too much." niyakap ko siya gamit yung isa kong braso.

"Oo ngayon pilay lang yan. But there would be a next time! And next time could be worse." nginitian ko lang siya, "Stop smiling! Manang mana ka talaga sa daddy mo, napakatigas ng ulo!"

"I love you very much mom." I said as I hugged her the tightest I could.

"Ma, stop it already." napalingon kami kay dad na kabababa lang ng hagdan at naglalakad na ngayon palapit samen, "Malaki na yang anak mo."

"Dad's right." ngumiti sakin sa dad kaya ngumiti din ako pabalik.

"Whatever! You will always be my one and only baby boy. I don't want you getting hurt."

"It's a part of life, Tyra. It's part of growing up." ani dad at umupo na sa kabisera.

"I agree." syempre, sumang-ayon ulit ako. Haha.

"Whatever you two! Just don't say I didn't warn you when this happened again, huh?!" ani mommy at umupo na rin.

"Wag kang mag-alala mom, hindi na mangyayari ulit to," yumuko ako at niyakap siya mula sa likod habang nakaupo siya. "I promise."

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Fine." tinap niya yung braso kong nakayakap sa kanya, "Take your seat. Food's getting cold."

At sabay sabay na nga kaming kumain. Pumasok si Jet sa university kaya hindi namin siya kasama ngayon.

Hindi palaging nangyayari to kaya sobrang saya ko. Yung tipong nginunguya mo yung steak nang nakangiti. Haha.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon