Thirty-third Chapter - Bridges and Boundaries

3.4K 157 57
                                        

Is it really possible for one heart to love two people at the same time? Sinong pipiliin mo, mahal mo o mahal ka?


Chapter 33



Mico's POV


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang magsalita na naman 'yung professor gamit 'yung megaphone niya. Naramdaman kong may nakapatong na mabigat sa ulo ko, then I realized na ako na pala 'yung nakahilig sa balikat ni Gab tapos nakahilig naman siya sa ulo ko.

"We'll have our first stop so you can pee or do whatever you want. The break will be for just 30 minutes so make sure you'll be back early if you do not want to be left. Did I make myself clear?" announce ng professor.

Nagising si Gab nang umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya. Pupungas-pungas pa 'yung mga mata nito.

"Hala, sorry..." 'yan na lang 'yung nasambit ko nang makitang natuluan ko pala ng laway habang natutulog 'yung manggas ng t-shirt niya. Agad ko itong pinunasan ng aking panyo.

Grabe, kulay gray pa naman 'yung t-shirt niya kaya kitang-kita 'yung basang part. Oo, tulo-laway talaga ako kapag tulog.

"Sorry talaga," paghingi ko ulit ng sorry.

Ang akala ko'y magagalit siya pero...

"Hindi, okay lang," aniya, at saktong huminto 'yung bus nang tumayo siya upang kumuha ng isang damit sa bag niya na nasa taas ng pwesto nina George at Tyrone.

Nagbabaan na silang lahat at ako na lang 'yung naiwan sa loob ng bus. Kukunin ko sana 'yung bag ko sa taas para kumuha ng pagkain pero hindi ko abot dahil masyado itong nasuksok sa dulo. Shemay lang. Tinulungan pa nga pala ako ni George kanina para lang malagay 'yun dun.

"Ang hirap talaga maging bansot," pagkausap ko sa sarili ko habang nagtatalon-talon na para abutin 'yung bag pero wala ring silbi.

Nagulat na lang ako nang mula sa likod ko ay may umabot nito para sa akin. Nagkadikit 'yung mga katawan namin and even without looking at the person, alam kong SIYA 'yun based on his scent. That so manly scent that sweeps you off of your feet.

Bigla akong parang naging tuod at dahan-dahan siyang nilingon.

"S-S-Salamat," utal kong sabi.

Pero hindi siya sumagot at sa halip ay muli nang umupo sa pwesto niya sa tabi ng bintana.

I felt awkward na kaming dalawa lang 'yung nasa loob ng bus kaya naman bumaba muna ako para mag-C.R. or kumain or pumunta kahit saan na pwedeng kumalma 'tong abnormal kong puso.

~~~




Gabriel Chiu's POV


Pagkapalit ko ng damit ay umihi lang ako saglit tas bumalik na sa bus.

"Hi, Gab!!" kinikilig na bati sa'ken ng mga kasama naming babae.

Kinawayan ko lang ang mga ito at nginitian na ikinairit nila.

"He's so hot talaga," dinig ko pang sabi ng isang babae sa boses na parang sinisilihan ang pagkababae, nang malampasan ko sila.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon