Kahulugan wala kung akong ka wala. Naintindihan mo ba? Ang gulo, 'di ba? Naging ganyan 'yung mundo ko simula nang iwan mo ako — MEANINGLESS.
And then he came and patiently fixed my shattered heart, and my world saw light once again...
Chapter 34
Mico's POV
Nagising ako nang masampal ko 'yung sarili kong pisngi dahil sa kumagat ditong lamok.
"Ribit," sabi ng palakang naka-eye-to-eye ko. Psh. Bakit may palaka sa kama ko?
Wait... palaka? What the?
Agad akong napabalikwas ng bangon nang ma-realize kong wala ako sa kama ko at totoo 'yung palakang kaharap ko. Inikot ko ang aking paningin sa paligid at naalala ko na kung ano'ng nangyari kaya nandito ako ngayon, nakahilata sa gitna ng kakahuyan, sa ilalim nang bilog na buwan.
Umiral na naman nga pala 'yung kalampahan ko kanina at para 'kong action star na nagpagulung-gulong pababa dito sa pwesto ko ngayon.
I felt my back aching and the side of my head stinging, so I touched it which caused more pain. Naramdaman ko ring basa ito at nang tingnan ko ang kamay ko ay nakakita ako ng maraming dugo. Sinubukan kong tumayo ngunit natumba rin ako dahil sobrang sakit ng ankle ko. Pagtingin ko sa kanang braso ko ay puro gasgas din ito.
"Ang lampa mo talaga, Mico," maluha-luha kong pagkausap sa sarili ko.
Nagulat naman ako nang parang may narinig akong malaking ibon na lumipad kasabay ng pag-ihip nang malakas at nakakapanyelong lamig na hangin.
"T-Tulong!!" pagsigaw ko habang muling sumusubok na makatayo ngunit muli ring nabigo. "May tao ba diyan?!!! Tulungan niyo po ako!!"
May nakita akong mahabang kahoy na pwedeng gawing tungkod kaya kinuha ko ito at ginawang panuporta sa aking pagtayo. Nagawa ko naman ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay natumba na naman ako. Kumirot 'yung ankle ko at hindi ko na napigilang mapaiyak sa sobrang sakit.
"T-Tulungan niyo po ako!! TULONG!!" muli kong pagsigaw ngunit tila wala talagang nakakarinig sa akin. Mukhang imposible ring may magagawi sa parteng ito ng gubat sa mga oras na 'to.
Nawalan na ako ng pag-asa nang lumipas na ang halos isang oras pero wala pa ring saklolong dumarating. Halos mapaos na rin ako kakahingi ng tulong. Yumuko na lang ako at umiyak nang umiyak dahil sa takot. Kahit nahihirapan ay niyakap ko nang mahigpit ang aking sarili.
Halu-halong tunog ng iba't ibang mga hayop lang ang naririnig ko pati na rin 'yung lagaslas ng mga dahon ng malalaking puno sa tuwing humahapit 'yung malakas na hangin.
Ilang sandali pa'y may narinig akong boses ng isang lalaking sumisigaw...
"MICO!!!!!!"
Nabuhayan akong muli ng loob dahil dito.
"Dito!! Nandito ako!!" sigaw kong muli pero dahil paos na ako ay sobrang hina na nito at hindi ko alam kung narinig ba niya.
"MICO!!!!!!!!" unti-unting lumalakas 'yung boses nung lalaki hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag mula sa flashlight ang tumapat sa mukha ko.
Dumausdos pababa 'yung lalaki at hindi ako makapaniwala nang makilala kung sino ito.
"Ayos ka lang ba?! Ano'ng masakit sa'yo?!" hindi natakpan ng kadiliman ang nakita kong lubos na pag-aalala sa guwapo nitong mukha. Hawak niya ako sa magkabila kong balikat habang inoobserbahan ang aking mga sugat sa mukha. "Ano'ng nangyari sa'yo?! Kilala mo ba ako?! Ilan 'to?!" sunud-sunod na mga tanong niya at itinapat sa aking mukha ang lima niyang mga daliri.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
