Chapter 8
Mico's P.O.V.
"B-Bakit mo ba tinatanong 'yan? A-Anong pakialam mo?" I started to lose my composure.
"Psh. Pa-chix talaga. Sumagot ka na nga lang! Yes or no lang, 'di pa makasagot."
Aba, tingnan mo 'tong lalaking 'to! Napaka talaga.
"That's none of your business!"
"Bahala ka nga! Ang arte mo!" Humiga ulit siya sa kama niya. Talaga naman!
"Hello, Mr. Rivera?" Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh nagulat ako nang agawin niya mula sa kamay ko 'yung cellphone ko. Paano siya nakakilos nang ganun kabilis?
Ninja ba siya?
"Hello, Da—" Kakausapin niya sana ang Daddy niya, pero pagtingin niya sa phone ko, wala namang ongoing call. 'Yung noo niya ay nagsimula na namang kumunot pagkuwa'y isang matalim na tingin ang ibinaling niya sa akin.
I just crossed my arms and looked at him sternly. I don't know how I was able to do that.
"So... kukunin mo na ba ang mga gamit mo?" Nanatili siyang walang imik. Aba, matigas ka talaga, huh?
Dinukot ko sa bulsa ng bag ko 'yung isa ko pang cellphone na mumurahin lang, na ikinataranta niya. Ha! Hindi niya siguro na-expect na mayroon akong dalawang phones.
"Eto na nga! Kukunin ko na!" Boom! Haha.
Sinundan ko ng tingin ang paglalakad niya papunta sa isang couch, at nakita ko nga dun ang bag niya.
"Kukunin din pala, ang dami pang kaartehan." Sinadya kong iparinig sa kanya 'yan para inisin siya. Ang cute-cute niya kasi kapag naiinis. Pansin ko lang sa sarili ko, parang nahahawa na ako sa ugali nitong taong 'to.
Kinuha niya 'yung bag at naglakad pabalik sa akin. Nagulat ako at hindi ko inasahang ihahagis niya ito sa akin, kaya hindi ko na ito nagawang saluhin pa at sa mukha ko ito tumama.
"Aw!" ang daing ko habang nakapikit na hinihimas ang ilong ko. Kasunod nun ay ang malakas niyang paghalakhak na ikinadilat ko.
"BWAHAHAHHAHHHAHAAHAHA!!"
Aba, loko-loko 'to, ah! Dapat niya bang ikatawa 'yung ginawa niya? Mabuti sana kung unan lang 'yung inihagis niya, eh. Feeling ko nga hollow block ang tumama sa mukha ko.
"Sinadya mo 'yun 'no?!" sabi ko habang tinuturo siya. Tumigil siya sa paghalakhak at ipinakita ang kanyang innocent look.
"Paano kung sabihin kong 'oo'?" Ngumuso pa siya na parang nang-aasar.
"Bakit mo naman biglang hinagis?!"
"Sabi mo kunin ko. Edi kinuha ko."
"Ang sakit-sakit kaya! Ikaw kaya hagisan ko nun sa mukha?!"
"Kasalanan ko bang lalambut-lambot ka at para 'yun lang 'di mo pa nagawang saluhin?!"
I just rolled my eyes at him at padabog na dinampot sa sahig ang bag niya. Wala ring sense kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Tinalikuran ko na siya at umupo sa harap ng study table niya kung saan ipinatong ko ang kanyang bag. Nang lingunin ko siya, 'yung mukha niya eh parang nagpipigil ng tawa. Psh. Pang-asar talaga.
Again, I just rolled my eyes at binuksan na ang kanyang bag para ilabas ang mga laman nito.
Humanda siya kapag ako nakaganti sa kanya!
Para akong timang na lipat nang lipat ng page sa notebook niya at naghahanap ng mga notes. Pagtingin ko sa likod ng notebook niya, doon ako nakakita ng mga sulat at isa-isa ko itong binasa sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Locker 246
ComédieMico Padua has spent years harboring a quiet, desperate crush on Tyrone Rivera. Tyrone is everything Mico isn't: tall, dark, handsome, and frustratingly obnoxious. But while Mico's orientation is an open book to everyone at their university, Tyrone'...
