Eighteenth Chapter - The Unexpected Visit

4.1K 208 14
                                    

THE OH-SO-GORGEOUS NICK JONAS AS LUIS MCFALL <3

I'm dedicating this chapter to those who gave me sweet messages which encouraged me to continue this. :-) You guys are amazing! <3

Here ya go!!!

---------------LOCKER246---------------

Chapter 18

Mico's PoV

Para siyang araw. Yung tipong kahit masakit man sa mata at pwedeng ikabulag, gustung-gusto ko pa rin siyang makita at titigan nang matagal hanggang sa itago na siya ng kalangitan. Yun nga lang, hindi tulad ng araw, hindi ako sigurado na sa pagdating ng panibagong umaga, muli ko na siyang masisilayan.

Hindi kailanman ako nagkaroon ng karelasyon, kaya wala talaga kong alam sa love. Gayunpaman, tao pa rin ako at marunong magmahal sa natatanging paraang alam ko.

At ngayon, may isang bagay akong naconclude. Yun ay kaakibat ng love ang pain, na kapag nag-mahal ka, asahan mo nang darating yung time na masasaktan ka nang sobra.

Ilang ulit nang dumating yung time na yun sakin. At ang mahirap pa, wala akong magawa para hindi na ulit maranasan yun. At kanila lang, muli ko na namang naramdaman yung sakit, and I think it's the worst I have ever felt.

Hindi ako umiyak habang pauwi na kami galing sa orphanage. Pinigilan ko... pinilit ko...

Tiniis ko hanggang sa makapasok ako ng kwarto. Dun ko na inilabas lahat. Iniyak ko lahat ng luhang maikakayang iluha ng mga mata ko. Nakapagtataka nga kasi parang wala silang balak na tumigil, kahit ang sakit na ng mga mata ko sa pag-iyak. It hurts to the point I'm already hating myself.

Alam kong kasalanan ko kaya ako nasasaktan ngayon, umasa na naman kasi ako. Pinaniwala ko na naman ang sarili ko sa bullsh*t idea na magugustuhan din ako ni Tyrone.

Nakahiga na ako sa kama nang maramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko.

Tiningnan ko kung ano ito at hindi ko inaasahan na pi-ni-em ako ni Tyrone. Pinunasan ko yung mga mata kong nanlalabo dahil sa luha, at nanginginig pa ang daliri ko nang pindutin ko yung chathead na lumabas sa screen ng cellphone.

"uy" yan yung message niya.

'Bakit?' tinype ko ito ngunit agad ding binura. Sigurado kasi ako na kapag nagkachat kami, agad kong malilimutan yung sakit na naramdaman ko. Aasa lang na naman ako at masasaktan. In the end, I chose not to reply.

Matapos ang sampung segundo, nagvibrate na naman kaya tiningnan ko ito.

"wow seenzone. birthday ko tapos siniseenzone mo ko? ayos"

In-off ko na lang yung wifi sa settings ng cp ko para wala na kong mareceive.

Here I am, alone again, thinking until when will all the hurt fade.

Siguro this time paniniwalain ko na naman yung sarili ko na okay lang ang lahat, na okay lang ako at hindi na nasasaktan. Pero hanggang kailan?

I never thought loving soming could hurt like this.

*KINABUKASAN*

Nandito ako ngayon sa clinic kung saan ako nagpacheck up dati. Kinakabahan, pero para gumaling, nagpunta ulit ako dito. Ayoko nang mangyari ulit yung nangyari kahapon. Mas gugustuhin ko pa siguro na mawala na lang kaysa mabulag at di na muling makita pa ang mga taong pinahahalagahan ko.

Chineck na ko ng duktor. He did some tests, at pinapabalik niya ko after a week para sa results.

Hindi muna ako uuwi. Gusto kong aliwin muna ang sarili ko, kaya pumunta ko sa pinakamalapit na mall para maglibang at saglit na makalimot.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon