KABANATA 1
Carrying my handbag I made my way into the mansion's double door. I was just very tired today because my work is too demanding that I couldn't even eat a proper lunch.
We all got tons of paperwork to deal with.
Nagtaka ako ng maabutan ang tahimik naming bahay. Halos naririnig ko na nga ang ingay ng mga punong nagkalat sa malawak bakuran dahil sa katahimikan.
"Manang Nieves bakit parang walang tao dito? Pinag day off? Ano—"
Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko ng magtaas sya nang tingin. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil mugtong-mugto ang mga mata nya na parang nanggaling sa matagal na pag-iyak.
Lumapit sa akin ang nasa mid-fifties na mayor doma.
"Praia... Ang daddy mo..."
Pumiyok pa sya sa pagsasalita habang papalapit sa akin.
I gasped as she came closer.
"A-ano pong nangyari?"
"N-naaksidente... W-wala na sya. Patay na si sir Esteban"
Nablangko ang utak ko bigla na para bang sobra-sobra sa pandinig ko ang mga salitang iyon.
Wala kong masabi. Gusto kong magtanong pero walang lumalabas sa bibig ko kundi mga hikbi.
My tears are flowing like endless waterfalls. My legs were shaking. And more than tiredness, I felt tiny needles gently getting deeper inside my chest.
Namalayan ko na lang na yakap na ako ni manang habang patuloy akong humahagulgol at nakasalampak sa sahig.
Walang salita na makapagpapakalma sakin o makakapagpalubag ng loob ko. Kelangan kong makita si daddy— at si mommy.
Dahan-dahan akong tumayo at hinarap si manang.
"A-asan po sila? I want to see him" mahina kong sambit.
"Sigurado ka ba? Baka dapat magpahinga ka muna— O di kaya'y magpalit ng d-damit..."
Kitang kita ang pag-aalangan sa kanya.
Sa halos labing dalawang taon nyang paninilbihan sa amin, para ko na rin syang pamilya. She's like a granny I never had while growing up.
I silently nodded my head and checked my clothes.
I'm wearing a sleeveless white top na pinatungan ko ng itim na blazer and a black knee-length skirt with about three-inch side slits. This is okay. Parang hindi ko na kayang magpalit ng damit.
Nagpahatid kami sa driver. Manang is with me the whole time, making sure that I am fine.
Kalalabas pa lang namin ng SUV ay parang nanginginig na ang mga tuhod ko.
Kinailangan pa akong alalayan para lang hindi matumba nang tuluyan habang humahagulgol papasok sa loob.
Nasa tabi ng kulay gintong ataul si mommy na yakap-yakap ni Tita Mirasol. She's stiff.
Hindi ko na nabigyang pansin ang mga bumabati sa akin at nagpapahayag ng pakikiramay na ilang mga kakilala.
Humarap sa gawi ko si mommy kaya naglalakad ako patungo sa kanya. Agad akong yumakap at umiyak nang umiyak sa balikat nya. Para akong bata na nawalan ng pinaka paboritong laruan.
My dad... He's gone. He was so healthy and strong so who would know that he will pass away this early? I don't even see him to say a proper goodbye. Dapat nandon ako eh! Sana man lang nasamahan ko sya.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagluha.
Pagkaraan ng ilang saglit ay humupa na ang emosyon ko at tiningnan ang nakasarang kabaong habang nakayakap pa rin kay mommy.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...