Kabanata 14

8.6K 315 8
                                    

KABANATA 14

Like what I've said, maaga pa lang nasa sun lounger na kami ni Sydney at naghahanda para lumangoy. We brought food, swan floater and other stuffs para ma-enjoy namin ang pagsi-swimming.

I'm not expecting that I would enjoy diving and swimming at deep sea level because I have to watch over Sydney. Marami ang guest sa resort kaya kelangan ko syang bantayan ng mabuti.

"Let's swim... Gusto kong sumakay sa floater tapos papanuorin kitang lumangoy. Tara..." yaya sakin ni Sydney habang hinihila ang kamay ko.

Basa na sya ng tubig dagat dahil lumangoy na sya habang naglalagay ako ng sun block.

"Wait baby..."

Tinanggal ko muna ang see through kimono dress ko bago ang aviator sunglasses at summer hat. Inalis ko ang pagkakatali ng mahabang buhok ko at hinayaang medyo matakpan nun ang suot kong black two piece swim suit.

Ako ang may bitbit ng swan floater sa kaliwa kong kamay habang hawak ko naman ang kamay nya sa kanan. Ibinagkibit-balikat ko na lang ang mga lalaking lantaran akong hinahagod ng tingin kahit may kasama akong bata. They are jerks who loves feasting their eyes with woman's body pero hanggang don lang sila. Tingin lang ang maibibigay nila sakin.

Nang makarating kami sa part na hanggang bewang na ni Sydney ang tubig ay ibinaba ko na ang floater at isinakay sya dun. Siniguro kong hindi kami masyadong malayo sa shoreline bago ko sya kinausap.

"Lalangoy lang ako saglit okay, pag may problema sigaw ka lang. Wag kang aalis sa floater okay?"

She nodded.

After a few minute dip. Nag decide kaming umahon na para magtayo ng sand castle at mag merienda.

"Here baby... Ibaba mo muna yan."

Lumapit ako sa kanya para ibigay ang towel, tuna sandwich at bote ng tubig na bitbit ko.

Itinigil nya ang pagtatayo ng sand castle tapos ibinaba ang plastic trowel at hinarap ako.

"Hindi ka na po lalangoy?" bigla nyang tanong ng makita na suot ko na ulit ang kimono ko.

"Mainit na eh, nag enjoy naman ako kanina. That's fine," umupo ako sa tabi nya "Ikaw?"

Umiling sya.

"Ayoko na rin pong lumangoy. I'm tired."

"Okay. After this uuwi na tayo—"

"Hi Praia!" a voice greeted me.

A familiar face came to us.

"Ugh... Do I know you?" alanganin kong tanong.

He chuckled at lantaran hinagod ng tingin ang katawan ko. Tumaas ang kilay ko ng mag stay yun ng matagal sa dibdib ko bago muling tumingin sa aking mukha.

"I'm Rusty Kim, yung sa bar last week."

Right. The Korean or Japanese guy who held my waist at the bar.

"Ah... Sorry nakalimutan ko, lasing kasi ako nun."

His eyes drifted to Sydney.

"Your sister?" tanong nya.

An evil idea popped in my mind.

"No. This is my beloved daughter Sydney, baby this is Rusty."

"Hi Rusty!" bati ni Sydney na parang nakuha ang gusto kong ipagawa sa kanya.

"Y-youre married?" namumutla nyang tanong.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon