KABANATA 20
LUMABAS ako sa garden sa pag-aakalang makakahinga ako kahit konti pero naabutan ko doon si Venice.
Nakatalikod sya sa gawi ko hawak ang isang baso na hula ko ay whiskey ang laman.
I can sense frustration and anxiety in every deep sigh she made.
I was about to go back nang humarap sya sa akin.
Isang matalim na irap ang isinalubong nya tanda na masama pa rin ang loob nya.
"What are you doing here? Sinundan mo ba ako para makita mo akong ganito?" ubod ng taray nyang tanong.
Umiling agad ako kaya nag palpitate ang kilay nya.
"Really? I know your type Praia. Woman like you loves to see me bleed"
Napailing-iling na ako at lumapit sa kinatatayuan nya imbis na gawin ang una kong plano.
Dahil doon mas naging visible sa paningin ko ang mga hilam na luha sa kanyang mga mata. It was blooshot.
Umiyak sya? Is it because of Sydney?
"Can I tell you a secret?"
Sumulyap lang sya sa akin at muli akong tinalikuran habang marahang naglalakad patungo sa medyo madilim na parte.
"Akala mo ba may choice ako nung iwan ko si Sydney? Wala akong choice Praia kahit mahal na mahal ko sya kelangan kong umalis. Alam mo kung bakit? Kasi mas lalo akong mahuhulog kay Zurich kapag nag stay ako at masasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko na marami syang bababe, na hindi ako ang gusto nya. Na kahit kelan hindi ako ang babae na mamahalin nya at pipiliing makasama habang buhay"
She tilted her head towards my direction and smiled bitterly.
"Pero ngayon na-realize ko na hindi ko pala kayang mawala sila pareho. I love Sydney as much as I love my self. And I love Zurich more than anything else in my life"
I lost words. Lalo na ng makita ko na naman ang tila kristal nyang luha na nag-uunahan sa pagpatak sa liwanag ng bilog na buwan.
She's a bitch. Inaaway nya ako pero hindi ko kayang ipamukha sa kanya ang mga pagkakamali nya sa ganitong sitwasyon. She's weak and vulnerable. She don't need a criticism right now, she needs a friend.
"Venice..."
"If you want to help me then go and convince my daughter na hindi ako masamang ina. Praia makikinig sya sayo"
"S-sorry Venice but I can't do that" agad kong sagot.
Nanliit ang mga mata nya at kitang-kita ko ang marahas na pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"At bakit hindi? Malaki ang tiwala sayo ni Zurich at malapit kayo ni Sydney sa isa't-isa... For sure you can make them understand"
"Kung sincere ka sa sinasabi mo, walang dahilan para hindi sila magtiwala ulit sayo. Kung ipapaliwanag mo ng maayos---"
"Bullshit! Hihingi ba ako ng tulong sayo kung kaya ko? Hinding-hindi ako lalapit sayo kung alam kong makikinig sila sakin. Please... Ikaw na lang ang pag-asa ko para mabuo ulit ang pamilya ko"
"Hindi Venice"
"What the hell Praia?" ubod ng lakas nyang tanong.
Hindi na ako magtataka kung hanggang sa loob ng villa ay dinig ang boses nya.
I know she's desperate alright? Hindi ko rin masasabi na naiintindihan ko sya dahil hindi naman ako ang nasa kalagayan nya pero hindi ko talaga makuha ang point kung bakit kailangan nya pa akong idamay sa problema nya.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...