Kabanata 13

8.8K 334 9
                                    

KABANATA 13

I still can't believe that his mother actually told me to feel at home— and she looks freaking sincere. Tapos na kaming mag lunch at naku-kwentuhan na lang pero parang nakalutang pa rin ako.

"Anong course ba ang natapos mo Praia?"

Napapitlag ako ng marinig ang pangalan ko mula sa daddy ni Zurich.

"Business Ad, major in finance po."

"You don't have to be too formal iha, alam mo kasi nami-miss ko na ang bunso ko. Baka kaedad mo sya," anang matandang lalaki.

Hindi lang ako nagpapahalata pero nakikinig akong mabuti sa sinasabi nya. Anything about Florence is helpful considering that informations about her is very limited. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. To get myself involved with Monteclaros and to find our where Florence is.

"Mas matanda sa kanya ng apat na taon si Praia dad, Florence was twenty, Praia was twenty four," sagot ni Zurich.

I don't know how Zurich know my age, maybe because of my resume but what concerns me more is that, parang anak na ng daddy ko ang kabit nya. I'm even older than her!

"Ganon ba? Bata ka pa pala iha, siguro marami kang naging boyfriend noh?" baling ulit sakin ng matanda.

"Hindi naman po... I only got three boyfriends."

"How many of them are serious?" tanong naman ng mama ni Zurich.

I flashed a sly smile.

"None"

She gave me a wide eyes of disbelief so I immediately explained.

"I was so young back then ma'am, I don't pay too much attention on such things. Mas priority ko po talaga ang pag-aaral noon."

"You have a huge similarity to my Florence iha, siguradong magkakasundo kayo."

I doubt it.

"Hayaan mo, one of this days babalik din dito ang anak mo," sabat ng mommy nya.

"Nasan po ba sya?" kunwaring inosente kong tanong.

"We don't know yet, basta nung umalis at ang sabi nya babalik sya," si Zurich ang sumagot.

Sana naman bumalik na sya agad.

Bandang alas siete na kami nakauwi sa villa dahil sa mansion din kami nag dinner, bigla kasi ang pag lakas ng ulan.

I was about to turn the lampshade off when Sydney held my hand.

"Don't... Hintayin mo munang tumigil ang kulog at kidlat bago mo ko iwan, please..."

I felt something warm touched my heart.

Humiga ako sa tabi nya at niyakap sya.

"I'm afraid of lightning and thunder ever since..." bulong nya sakin.

"Close your eyes... " I softly said while still hugging her.

"Wag mo kong iiwan dito ha."

"Oo... Matulog ka na..."

I started humming a lullaby as I softly caress her hair.

Hindi ko agad sya iniwan ng masiguro kong nakatulog na sya. Nanatili lang ako sa tabi nya habang pinapanood ang matatalim na kidlat sa bintana ng kwarto.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon