Kabanata 16

8.9K 327 6
                                    

KABANATA 16

Nakatulala lang ako habang mahigpit ang kapit sa kanya.

Sa taas ako nakatingin dahil hindi ko kayang tingnan sya sa mata, masyadong marami ang mga emosyon doon.

Maingat nya akong ibinaba sa sofa, ni hindi ko alam kung paano nya pinindot yung code sa pinto--- it's either magaan ako o malakas lang talaga sya. Pakatapos ay bigla syang nawala sa paningin ko at paglabas nya ulit galing sa kusina may bitbit na syang isang kit. Iniwan nya yun sa center table at bumalik ulit sa kusina, balde at palanggana na parehong may lamang tubig, tuyong tuwalya at sabon naman ang dala nya ng bumalik sya.

Bigla syang lumuhod sa harap ko at dahan-dahang inilagay ang paa ko sa maligamgam na tubig sa palanggana na para yung babasaging kristal na hindi pwedeng magkamali ang sino mang hahawak.

Pinakikiramdaman ko lang sya habang tinitingnan nya ng mabuti ang paa ko. Hindi ko alam kung sinisiguro nya na wala ng buhangin o sinisilip nya ang mga sugat pero mariin ang pagkakadikit ng labi nya habang sinasabon ang paa ko.

"A-ah... Kaya ko na yan, ako na. Baka nakaka abala ako sa trabaho mo---"

Natigilan ako nang bigla syang mag-angat ng tingin at tinapunan ako ng masamang tingin.

"Ahehe... S-sige ituloy mo na"

It was so weird. I even gave him a nervous awkward laugh that he don't seem to mind.

Itinuloy nya lang ang pagsasabon ng paa ko.

Masakit pero kaya ko namang tiisin ng hindi ngumingiwi o tumitili. Bearable.

Pinagmamasdan ko lang sya habang maingat nyang hinuhugasan ang paa ko sa balde na maligamgam din ang tubig at pagkatapos ay tinuyo yun gamit ang tuwalya.

Tumayo sya at akala ko ay tapos na pero umupo sya sa sofa na adjacent sa kinauupuan ko at pagkatapos ay inilagay ang paa ko sa mga hita nya.

Hindi pa rin sya nagsasalita habang marahan nyang inilalapat ang cotton na may alcohol sa mga galos ko sa paa.

Napangiwi ako dahil nakaramdam ako ng kirot doon. I wasn't expecting it because the wound was small and it's not that deep. Hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling nagkaroon ng ganitong sugat at galos o kung nagkaroon nga ba ako ng ganito dati.

"Makinig ka okay? Sorry..." basag ko sa katahimikan na nasa pagitan namin.

Himinga ako ng malalim at kahit hindi man lang sya nag-angat ng tingin, alam kong nakikinig sya dahil unti-unti nang lumalambot ang kanyang facial expression.

"Na-bored kasi ako kanina. I'm sorry kasi akala ko busy ka sa trabaho kaya hindi na ako nagpaalam. My original plan was to kill my boredom in the beach side pero na-engganyo ako nung makita ko yung rock formation"

"Dun mo nakuha ang mga ito hindi ba?" tanong nya habang hindi tumitigil sa ginagawa.

Mukha ngang sobrang focused sya doon.

I nodded.

"Nag-enjoy ako sa view at..."

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa. He looked so pissed at medyo dumidiin ng konti ang pagdidikit nya ng cotton sa paa ko.

"Continue..." he demanded.

"Pagbaba ko, nakita ko na maraming shell dun sa other side ng mga bato"

"May shell din naman sa resort diba? Kung sinabi mong gusto mong mamulot ng ganon sana sinamahan kita" seryoso nyang saad at ibinaba ang paa ko.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon