Epilogue

10.1K 233 21
                                    

Quick Note:

The wait is over, here is Zurich Monteclaro's pov ppl.

Love,

Marya




EPILOGUE

"How are you dearest brother?"

Dire-diretsong pumasok si Florence sa aking opisina at saka naupo na lamang basta sa mahabang leather couch doon.

"Wala ka bang klase?"

Ang kanyang inosenteng mata ay kuminang nang tumama iyon sa akin. Hindi ko maiwasang mahawa sa ngiti niya lalo pa at napakaamo ng kanyang mukha.

Habang tumatagal ay mas lumalabas ang pagkakahawig niya sa amin lalong lalo na kay Mama.

"I just wanna congratulate you, Mr. Vice President. Finally huh?"

I smirked at her.

Kung may nakakaalam man kung gaano ko pinaghirapan ang posisyong ito, siya iyon at syempre si Kuya Kiev na nag train sa akin.

Nang mag retire si papa, ipinasa niya ang posisyon kay Kuya Kiev and since wala sa mga kapatid ko ang gustong mag takeover sa bakanteng puwesto, minabuti kong pagsikapan iyon.

Months of training, or should I say hell and I am here, earning billions every month.

"May ipapabili ka kaya ka nandito?"

Ngumuso siya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Porket pumunta dito may kailangan na agad?" She crossed her arms and grinned. "Anyway Kuya ayaw ni Mama na pumayag... My friends are having this Euro trip and I really wanna go. Can you convince her—"

"No Ren... Hindi mo ako maasahan dyan."

"But Kuya..."

She looked at me, pleading so I looked away.

"You're still 17, hindi ka talaga papayagan ni Mama."

"Pero graduation gift nyo na lang..."

"No. Umuwi ka na, hindi kita tutulungan."

She pouted even more but then gave up eventually.

Our sweet Florence. Sinong mag-aakala na dahil sa kanya makikilala ko ang babaeng magpapabago pala sa takbo ng buhay ko.

"Brother! Maganda ang secretary mo sa labas—"

"Shut up Denver!" sikmat ko.

Nandito na naman siya para manggulo. Kapag bored sa isla, nandito siya para magpalipas oras.

"What? Sabi ko lang maganda."

"Leave Bridgette alone. Pang limang secretary ko na yan."

"Alam ko. Anyway, pinapabigay ni Kuya Kiev. Wala sya, obviously... Out of the country o kung saan mang lupalop kasama ang asawa nya."

"Thank you for the information," sarkastiko kong tugon nang maipatong niya sa lamesa ang mga papeles na dala.

Alam naman naming lahat kung ano ang 'importanteng inaasikaso' ni Kuya Kiev. Only stupid will buy his excuse of having a flu for two weeks.

"Stop the sarcasm? Kamusta?" tanong niya at balewalang umupo sa gilid ng lamesa ko kung saan bakante ang espasyo.

"May sakit pa rin si Sydney," I informed him and sigh.

Worried na ako sa lagnat ng aking anak pero ayaw nya namang magpadala sa ospital. I don't know what to do with that brat. She doesn't want to eat, nor drink her meds. She's one hella stubborn creature.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon