KABANATA 36
"Champagne?"
Nilingon ko si Theo at tinanggap ang inalok nyang champagne.
"Thank you"
Tumayo sina Darcy at ang isang lalaki para magsayaw sa dance floor. They convince me to go with them but I refused coz I don't want an another Aane Salvitrano encounter. May namamataan akong mga kakilala di kalayuan pero hindi nila ako nilalapitan. Baka nagdadalawang isip o nag-aalangan pero ano pa man yun, pabor sa akin ang hindi nila pagkikipag-usap. Ayoko nang sumagot sa mga tanong, nakakapagod din pala.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid ng mahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na sabay pumasok sa venue. Both of them are undeniably head turners kaya hindi nakakapagtakang marami ang obvious na humanga sa kanila.
The feeling was different when it comes to me. It gave me an unexplainable pain. Seeing Zurich with Marcela Ferrer made me realize that a woman standing just beside him is so lucky.
They are a perfect couple because they are good together. Nakakapit ang babae sa braso ni Zurich habang pareho silang nakikipag-usap sa ibang bisita na lumalapit at nagwe-welcome sa kanila. Inihatid ko sila nang tingin hanggang sa natabunan na sila ng mga kausap.
Maybe a handsome and successful businessman like Zurich really deserves a beautiful and elegant super model like Marcela.
"They look good aren't they?" untag sa akin ni Theo.
Halos makalimutan ko nang katabi ko sya sa sobrang pagkaabala kina Zurich at Marcela.
Nilingon ko sya at nakitang nakatingin din sya sa direksyon na tinitingnan ko kanina.
"Yeah"
"Naisip mo na bang mag model? You know like Marcela"
I thanked God when he changed the topic.
"Dati, when I was younger. But right now? Ayoko"
"You have the height, body and face, so why not?"
"I want a privacy at maraming issue sa paligid palagi. I'm fine with my job"
"Mukhang close na kayo ah" biglang sabat ni May na kagagaling lang yata sa dancefloor.
"Praia, single yang si sir Theo" singit naman ni Darcy.
Namula ako dahil sa kahihiyan. I'm not really used to this kind of social circle. The happy going people that are very vocal with their thoughts.
"Tumigil nga kayo, she's not comfortable" Theo said.
Tumahimik naman sila at parang walang nangyari na bumalik sa mga dating ginagawa.
"I'm sorry, makulit lang talaga ang mga yan" hingi nya ng paumanhin sa akin na nginitian ko lang.
It's no one's fault that I turned red when I'm uncomfortable.
"Praia sayaw tayo, may mga poging Monteclaro sa may dancefloor"
Sinundan ko ang gawing itinuro ni Darcy at mas lalo kong hindi ginusto na magpunta doon ng makita si Keiv at Israel Monteclaro.
Umiling lang ako bilang sagot nahalata nya yatang hindi talaga ako sasama sa kanya kaya hindi na ako kinulit.
"Oh sige na nga. Tara May bilis"
Dumating na sa table si Julius kasunod si Marco kaya napuno yun ng tawanan at biruan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa sa nakakatuwang childhood memory ni Marco ng mapadako ang mata ko sa isang table kung saan magkatabi sina Zurich at Marcela.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...